
Q2: Unang Lagumang Pagsusulit
Quiz by Agnes R. Reyes
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Ang pagkain na ito ay malinamnam. Ano ang kasingkahulugan ng malinamnam?
Si Ella ay maganda. Ano ang kasingkahulugan ng maganda?
Ang bahay kubo ay munti lamang. Ano ang kasingkahulugan ng munti?
Si Manny Pacquiao ay isang mahusay na boksingero. Ano ang kasingkahulugan ng mahusay?
Dinakip ng mga pulis ang magnanakaw. Ano ang kasingkahulugan ng dinakip?
Si Jack ay mataba ngunit si Jackie ay _____________. Ano ang kasalungat ng mataba?
Kung si Jack ay ___________, si Jackie naman ay masaya. Ano ang kasalungat ng masaya?
Kung tamad si Jack, _________ naman si Jackie. Ano ang kasalungat ng tamad?
Masikip na ang pantalon ni Jack pero __________ pa ang kay Jackie. Ano ang kasalungat ng masikip?
Mabilis magsulat si Jack, samantalang si Jackie naman ay __________. Ano ang kasalungat ng mabilis?
Malakas umiyak ang sanggol na binakunahan. Ibigay ang salitang-ugat ng umiyak.
Ako ay may nakitang matanda sa lansangan. Ibigay ang salitang-ugat ng matanda.
Makalat ang kuwarto ni Elmer. Ibigay ang salitang-ugat ng makalat.
Kailangang uminom ng walong basong tubig sa isang araw. Ibigay ang salitang-ugat ng uminom.
Ang kabayo ay matulin kung tumakbo. Ibigay ang salitang-ugat ng tumakbo.
Marunong sumayaw si Mila. Anong uri ng panlapi ang may salungguhit sa salitang sumayaw?
Marami pa tayong aralin na hindi pa natatapos. Anong uri ng panlapi ang may salungguhit sa salitang aralin?
Dalawang pares ng salita na iisa ang ibig sabihin o kahulugan.
Ito'y pantig na idinaragdag sa unahan, gitna at hulihan ng salitang -ugat.
Dalawang salita na magkaiba ang kahulugan.