
Q2-MAIKLING PAGSUSULIT- MODULE 5
QuizΒ by Analyn C. Clarianes
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Maraming damit na hindi na isinusuot si Tracy. Nagpasya siyang i-donate ang mga ito sa mga kamag-aaral na nabahaan sa Tumana.
Itinago agad ni Sandra ang mga biskwit na nakuha sa relief goods na ipinamigay sa kanila. Hindi niya binigyan ang kanyang kapatid.
Nagboluntaryo si Minda sa pagrerepak ng bigas at delata na ipamimigay sa nasalanta ng bagyong Ulysess sa kanilang lugar.
Mas pinili ni Troy na maglaro sa labas kaysa tumulong sa kanyang nanay sa paglilinis ng kanilang bahay na napuno ng putik dala ng matinding pagbaha.
Hindi ipinagdamot ni Manilyn ang kanyang mga laruan sa mga batang tumuloy sa kanilang tahanan noong kasagsagan ng bagyong Rolly sa kanilang bayan.
Inanyayahan ka ng iyong kaibigan sa kanyang kaarawan. Nais mong dumalo para maaliw ka sa inihandang programa para sa kanya ngunit nakikita mong marami pang ligpitin sa inyong bahay. Ano ang dapat mong gawin?
Nakita mo ang isang pamilya sa tabi ng kalsada. Namamalimos sila upang may maipambili ng pagkain. May naipon kang pera mula sa iyong baon. Ano ang iyong gagawin?
Ang kaklase mong si Jun ay namatayan ng ama sanhi ng COVID. Paano mo maipararamdam sa kanya ang iyong pagdamay?
May outreach program ang mga kabataan sa inyong barangay na mangalap ng donasyon at tulong para sa mga biktima ng sunog. Ano ang magagawa mo upang maipakita ang pagtulong sa programa?
Nalubog sa baha ang bahay ng inyong kamag-anak. Nasira ang kanilang mga gamit at halos buong bahay nila ay napuno ng putik. Ano ang maaari mong gawin?