
Q2_Post-Test_Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Quiz by Melina Luzong
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Nasalanta ng Bagyong Ulysses ang maraming lugar sa Marikina kabilang ang inyong tirahan. Upang ipakita ang kahalagahan ng pagtutulungan, ano ang iyong gagawin?
Itinuro sa inyo sa paaralan ang kahalagahan ng proyektong “Munting Basura Ibulsa Muna”. Upang ipakita ang pagsunod dito, ano ang iyong gagawin?
Napanood mo sa telebisyon na mayroong paparating na malakas na bagyo bukas at tatamaan nito ang inyong lugar. Ano ang iyong gagawin?
Napanood mo sa balita na may nangyaring lindol sa isang probinsya sa Visayas at marami ang napinsala nito dahil sa kakulangan sa kaalaman sa mga dapat gawin kapag may lindol. Ano ang iyong gagawin?
Ang kaklase ninyong Muslim ay laging kinukutya ng ilan sa mga kalalakihan dahil iba ang kaniyang paniniwala. Ano ang nararapat mong gawin?Â
Ang iyong kaibigan ay nakatira sa bahay ng tita niya. Nagtatrabaho ang kaniyang ina at bihira lamang umuwi. Madalas mong naririnig na minumura at sinasaktan ang iyong kaibigan ng kaniyang tita. Ano ang gagawin mo?
Laging lumiliban sa klase ang magkapatid na Eugene at Nicole dahil sila ang pinaghahanapbuhay ng ama nilang mabisyo at tamad magtrabaho. Paano mo sila matutulungan?
Pinagtatawan ng iyong mga kalaro ang batang may kapansanan. Bago lamang siya sa inyong lugar. Ano ang dapat mong gawin?
Naglalakad ka pauwi sa bahay. May nasalubong kang Amerikano at nagtanong sa iyo ng direksiyon. Ano ang iyong gagawin?
Ang matalik mong kaibigan ay isang Muslim. Niyaya kang dumalo sa kanilang pook-dalanginan. Nakita mong nag-aalis sila ng tsinelas o sapatos bago pumasok sa kanilang pook-dalanginan. Ano ang dapat mong gawin?
May Bible Study sa inyong lugar. Pinipilit mong dumalo ang lahat ng kakilala mo. Ang iyong kaibigan ay ayaw dumalo. Ano ang gagawin mo?
Ang bagong lipat ninyong kamag-aral ay mula sa ibang bansa. Nakagawian na niya ang pagtungo sa tuwing babati. Paano mo siya pakikitunguhan?
Kung hindi sang-ayon ang ibang miyembro ng inyong pangkat sa iyong desisyon bilang lider, Ano ang dapat mong gawin?
May pagpupulong sa inyong lugar kung paano mapipigilan ang madalas na pagbaha. May mga puna kang nais iparating subalit nag-aalala kang may mga magagalit sa iyo. Alin ang nararapat mong gawin?
May outreach program ang mga kabataan sa inyong barangay na mangalap ng donasyon at tulong para sa mga biktima ng sunog. Ano ang magagawa mo upang maipakita ang pagtulong sa programa?
Ang kaklase mong si Jun ay namatayan ng ama sanhi ng COVID. Paano mo maipararamdam sa kanya ang iyong pagdamay?
Nakita mo ang isang pamilya sa tabi ng kalsada. Namamalimos sila upang may maipambili ng pagkain. May naipon kang pera mula sa iyong baon. Ano ang iyong gagawin?
Ang mga sumusunod ay “Karapatan” na dapat tamasahin ng isang bata, MALIBAN sa isa, alin ito?
Alin ang nagpapakita ng pagsaalang-alang sa  Karapatan ng isang bata?
Mag-uumpisa na ang inyong laban sa badminton nang malaman mong nasira ang raketang gagamitin ng iyong makakalaban. Ano ang iyong gagawin?
Naikuwento sa iyo ng iyong kaklase na gusto niyang maging bahagi ng inyong grupo at maranasan ang sumali sa isang paligsahan ng pagsayaw ngunit wala siyang sapat na pera upang bumili ng costume. Ano ang iyong gagawin?
Idaraos ang isang Division Quiz Bee sa inyong paaralan na lalahukan ng iba’t ibang mag-aaral na iyong makakalaban. Bilang kinatawan ng inyong eskuwelahan, paano mo ipakikita sa iyong mga magiging kalaban ang pagiging palakaibigan?
Sinabihan ka ng inyong guro na ikaw ang magiging lider sa proyekto ng inyong pangkat sa pagbuo ng isang "Spreadsheet." Ano ang dapat mong gawin?
Binigyan kayo ng inyong guro ng paksang-aralin na inyong ipakikita sa klase  gamit ang teknolohiyang mayroon sa inyong paaralan. Paano mo ito isasagawa?
May paligsahan sa inyong paaralan sa paggawa ng digital poster. Magkakamit ng premyo ang mananalo. May kakayahan ka sa paggawa nito. Ano ang nararapat mong gawin?