
Q3- 1st Summative Test in Filipino
QuizĀ by Jessica H. Guevara
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Kung ang salitang bula ay daragdagan ng /g/ sa hulihan, anong salita ang mabubuo?
Alin sa sumusunod na tunog ang ipapalit sa unahan ng salitang pantay para mabuo ang salitang bantay?
Anong salita ang mabubuo kung papalitan ng /t/ sa unahan ang salitang hitik?
Sa salitang laba, anong salita ang mabubuo kung daragdagan ng /n/?
Sa mga salitang bahay, palay at kamay, anong tunog ang idinagdag sa hulihan?
Maagang bumangon si Pedro. Pumunta siya sa kusina at maya-maya ay umuusok na ang kalan.
Dala-dala ang lambat, sumakay si Mang Diego Ā sa bangkang-de-motor at pumalaot sa dagat.
Madaling nasagutan ni Luisa ang pagsusulit. Pinuri siya ng kaniyang guro dahil siya ang nangunguna sa klase.
Panay ang iyak ng sanggol na si Jed. Hindi siya mapatahan kahit binigyan na ng gatas. Idinampi ng ina ang kaniyang palad sa noo ni Jed at nag-alala ito.
Matagal nang nagtatrabaho sa Japan ang tatay ni Beth. Pagdating sa bahay may nakita siyang mga pasalubong at malaking bagahe. Tinawag siya ng isang pamilyar na boses.
Ā Inutusan si Allan ng kaniyang Ina sa tindahan upang bumili ng bigas. Pagkatapos bumili, buong pag-iingat niya itong binuhat pauwi. Agad na nagsaing ang kaniyang Ina para sa kanilang hapunan. Natuwa siya dahil masunurin ang kaniyang anak.
Naglabasan na ang lahat ng mga bata upang bumili sa kantina. Napansin ni Romeo na naiwan ang isa sa mga kaklase niya. Niyaya niya si Liza sa kantina at binigyan ng pagkain na binili niya.
Nakalbo ang makapal na kabundukan. Nawalan ng tirahan ang mga ibon dahil pinutol ng mga tao ang mga kahoy. Naisip ng kabataan na magtanim ng mga puno. Dahil dito, bumalik ang mga ibon sa kabundukan.
Sabado ng umaga, maagang nagtanim ng mga gulay si Bob sa bukirin. Lumipas ang ilang araw ay lumago at namunga ang mga ito. Pinitas ni Bob ang mga gulay at niluto ang mga ito.
Agad nagmano si Mila sa kaniyang amaāt ina pagdating sa kanilang bahay galing sa paaralan. Matapos magbihis ay dali-dali niyang inilabas sa bag ang mga kuwarderno upang pag-aralan ang kaniyang leksiyon. Napakasipag mag-aral ni Mila.