
Q3 QUIZ#2
Quiz by Juliet Aclan
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Bakit tinaguriang “Shoe Capital” ng Pilipinas ang Lungsod ng Marikina?
Isa sa mga sagisag-kultura ng Marikina ang sayaw na Balse Marikina. Bilang isang mag-aaral, paano mo isasagawa ang pagkilala at pagmamalaki sa sayaw na ito?
Nakilala si Bayani “BF” Fernando bilang alkalde ng Marikina na nagbigay ng bagong anyo sa Marikina. Itinaguyod niya ang kaayusan sa bawat lugar sa lungsod. Ipinagbawal niya ang paglalakad sa kalye nang nakahubad. Ipinagbawal din niya ang pagkakalat ng basura at pagtawid sa di-tamang tawiran. Anong katangian ni Bayani Fernando ang dapat nating tularan?
Ipinagdiriwang taon-taon ang Ka-angkan Festival sa Marikina kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng Marikina bilang isang bayan. Mahalaga bang ipagpatuloy ang pagdiriwang na ito? Bakit?
Ano ang pagkakakilanlang pangkultura?
Kilala ito sa tawag na “Kap. Moy.” Sa bahay na ito nagsimula ang unang industriya ng sapatos ng Marikina.
Marka ng unang engkuwentro ng mga Espanyol at rebolusyonaryong grupo ng katipunan ni Andres Bonifacio.
Dito pinunit ng mga katipunero, sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang kanilang sedula.
Ito ay matatagpuan sa Maynila. Dito binaril ng mga sundalong Pilipino si Dr. Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896.
Ito ay matatagpuan sa Maynila. Dito ikinulong ng mga Espanyol si Dr. Jose Rizal bago barilin sa Bagumbayan (Luneta).
Pahalagahan at isapuso ang kahulugan ng mga bantayog.
Sirain ang bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta.
Gawing palaruan ang mga makasaysayan pangyayari.
Ipagmalaki ang mga makasaysayang lugar sa lahat ng tao, maging sa aking mga kamag-anak, kakilala, o sa mga dayuhan.
Itatago ko sa bulsa o itatapon ko sa tamang basurahan ang mga kalat ko tuwing ako ay pupunta sa mga lugar na makasaysayan.