placeholder image to represent content

Quiz#3_Q2_M5:Pagbibigay ng Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit ang Dating Kaalaman/Karanasan

Quiz by Melina Luzong

Grade 6
Filipino
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1
    Hindi masama ang pagbabago ng dating kaalaman batay sa natuklasan sa teksto, tiyakin lamang na ang mga kaalamang binasa ay totoo at wasto.
    SIGURO
    BAKA
    MALI
    TAMA
    30s
    F6PB-IIIg-17
  • Q2
    Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan upang makagawa ng tama at mahusay na hinuha, MALIBAN sa isa.
    Pag-uugnay ng sariling karanasan
    Pagpapalawak ng imahinasyon
    Panonood ng teleserye at drama sa telebisyon.
    Paggamit ng dating kaalaman
    30s
    F6PB-IIIg-17
  • Q3
    Ibigay ang pinaka-angkop na posibleng magiging pagbabago sa iyong dating kaalaman kaugnay sa sitwasyon. Piliin ang tamang sagot. * May inilunsad na proyektong Pera sa Basura ang paaralan upang maging malinis ang kapaligiran at makalikom ng pondo.
    Hindi problema ng paaralan ang basura.
    Nalutas na ang suliranin sa basura maaari pang kumita.
    Mawawala na ang basura sa paaralan.
    Dapat laging may proyekto ang paaralan.
    60s
    F6PB-IIIg-17
  • Q4
    Ibigay ang pinaka-angkop na posibleng magiging pagbabago sa iyong dating kaalaman kaugnay sa sitwasyon. Piliin ang tamang sagot. * Unang araw ng pasukan. Masayang gumising si Seth at nasasabik na pumasok. Tinawag sila isa-isa ng guro upang magpakilala. Hindi nakapagsalita si Seth.
    Laging nagpapakilala sa unang araw ng pasukan.
    Maraming bagong makikilala sa unang araw ng pasukan.
    Hindi maiwasan ang kabahan at mahiya sa pagpapakilala sa unang araw ng klase. Kaya dapat handa.
    Masaya ang unang araw ng pasukan.
    60s
    F6PB-IIIg-17
  • Q5
    Ibigay ang pinaka-angkop na posibleng magiging pagbabago sa iyong dating kaalaman kaugnay sa sitwasyon. Piliin ang tamang sagot. * Mula sa ibang bansa si Joana. Bagong lipat siya sa paaralan. Sabi ng kaniyang kaklase, huwag siyang kausapin ng Ingles upang mapilitang magsalita sa Filipino. Hindi nila alam na parehong mahusay sa Filipino at Ingles ang kanilang bagong kamag-aral.
    Matutong makipagkaibigan.
    Iwasan na mapalapit sa baguhan.
    Hayaang maunang pumansin at makipagkaibigan ang bago.
    Kilalanin muna ang tao bago magsalita tungkol dito.
    60s
    F6PB-IIIg-17
  • Q6
    Ibigay ang pinaka-angkop na posibleng magiging pagbabago sa iyong dating kaalaman kaugnay sa sitwasyon. Piliin ang tamang sagot. * Isang gabi hindi nakatulog si Joey, ayaw humiwalay sa kaniyang isipan ang nabanggit ng ina na patitigilin sila sa pag-aaral dahil wala na talaga silang pera.
    Mahirap maging mahirap pero sa masikap mawawala ang hirap.
    Ang mahirap hindi nakapagtatapos ng pag-aaral.
    Mahirap mag-aral.
    Kailangan mapera para makapag-aral.
    60s
    F6PB-IIIg-17
  • Q7
    Ibigay ang maaaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan/kaalaman. Piliin ang tamang sagot. * Masayang naglalaro sa parke ang magkaibigang Marvin at Jhimar nang biglang napansin ni Marvin na walang suot na face mask si Jhimar. __________________________.
    Pinagsabihan ni Marvin si Jhimar na huwag kakalimutang magsuot ng face mask.
    Tumakbo pauwi si Jhimar dahil hinabol sila ng aso.
    Nagtago si Jhimar sa likod ng mga puno para hindi siya makita ni Marvin
    Inaya na lang ni Marvin si Jhimar na pumunta sa simbahan.
    45s
    F6PB-IIIg-17
  • Q8
    Basahin at ibigay ang maaaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan/kaalaman. Piliin ang tamang sagot. * Sa sobrang pagmamadali ni Marta sa paglilinis ng tukador, nakabig niya ang mamahaling plorera ng kaniyang lola. ____________________________
    Nagluto ng pagkain si Marta.
    Nahulog ito at nabasag.
    Tumakbo papuntang palikuran si Marta.
    Nagbihis at namasyal sa parke si Marta kasama ang kaniyang lola.
    45s
    F6PB-IIIg-17
  • Q9
    Basahin at ibigay ang maaaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan/kaalaman. Piliin ang tamang sagot. * Napasigaw nang malakas si Fatima nang makita niyang nabundol ng kotse ang alaga niyang aso. ______________________________________.
    Mangiyak-ngiyak siya sa sobrang galak.
    Tumakbo siya patungo sa kaniyang aso at tiningnan ang kalagayan nito.
    Bumili siya ng laruang aso upang hindi malungkot.
    Hinimatay siya sa sobrang pagkagutom.
    45s
    F6PB-IIIg-17
  • Q10
    Basahin at ibigay ang maaaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan/kaalaman. Piliin ang tamang sagot. * Maraming bunga ang mangga ni Aling Fe kaya palaging namamasyal doon ang magkakapatid na sina Rico, Jona at Ruffa, ______________________.
    Nanghihingi ng bunga ng mangga ang magkakapatid at dinadala sa kanilang ina.
    Umiigib ng tubig ang magkakapatid sa balon ni Aling Fe.
    Nagselfie sila sa ilalim ng punong santol.
    Tumulong maglinis ng bakuran ang magkakapatid.
    45s
    F6PB-IIIg-17

Teachers give this quiz to your class