
SLEM 2: UNANG PAGSUBOK
Quiz by Donna Mae Figueroa
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Alam ni Clarize na hindi niya kakayanin ang kursong medisina gayundin ang kakayahan ng kaniyang magulang na suportahan siya. Kaya ang kaniyang ginawa ay naghanap siya ng mga scholarship sa kanilang munisipyo at iba pang instutusyon at unti-unti ay nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga paalala upang maging gabay nya. Anong pansariling salik ang isinagawa ni Clarize?
Hindi lingid sa kaalaman ni Froilan ang mga naging puhunan ng kaniyang mga magulang sa negosyong ipinundar simula noong bata pa sya hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila ngayon ay maginhawa at nakapagtapos lahat ng pag- aaral sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging bukas-palad ng kanyang mga magulang. Sa kaniyang propesyon ngayon dala niya ito lalo na kapag may mga mahihirap siyang pasyente sa probinsya kapag nagdaraos sila ng medical mission. Anong pansariling salik ang naging gabay ni Alfred sa pagpili ng kurso?
Bata pa lamang si Kezia ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational Book, ng pagguhit, at minsang pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad nang siya ay sumali sa mga paligsahan sa paaralan at nananalo. Kaya sa pagdating sa ng pagpili ng kurso ay hindi sya nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya ng kanyang propesyon, ang maging Journalist. Alin sa mga pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Kezia ang tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay?
Malungkot si Arjie dahil hindi nya mapilit ang kanyang mga magulangsa gusto nyang kursong Engineering at mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa Maynila. Gayunpaman, kinuha nya ang pagkakataon na sumailalim sa 6-month training sa kursong Teknikal-bokasyonal at may naghihintay na trabaho sa Middle East. Anong pansariling salik ang isinasaalang-alang ni Melchor sa kaniyang naging desisyon na maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking demand ng lipunan?
 Alam ni Caitlyn ang kanyang galing at husay sa Matematika kung kaya’t apat na buwan bago ang pagtatapos niya sa Junior High ay mayroon na siyang napiling kurso. Suportado sya ng kanyang mga magulang lalo’t bukas naman ang komunikasyon niila pagdating sa mga nais niyang kuning propesyon. Kahanga- hanga si Caitlyn dahil sya ay may matatag na loob na magpasiya para sa kaniyang sarili. Anong pansariling salik ang naging tungtungan nya sa pagpili ng kurso?