Loading...
Alam mo ba kung anong isda ang nasa larawan sa gawing kanan mo? Masarap itong ulamin, pwede itong prito o kaya naman ay paksiw. Iyan ay ang isdang Bangus. Ang isdang ito ay makikita sa mga tubig-tabang. Maaari itong lumaki ng hanggang 2 kilo ang bigat. Ang Barong Tagalog ang pambansang kasuotan para sa mga lalaki. Nakakita ka na ba nito? Maganda ang pagkakayari nito na mula pa sa pinya ang tela. Maganda itong kasuotan sa panahon na mainit sapagkat ito ay gawa sa manipis lamang na mga materyales. At ang Baro’t Saya naman ang Pambansang kasuotan para sa mga babae. Nakapagsuot ka na ba ng ganitong damit? Katulad ng barong tagalong, presko rin sa pakiramdam kung ito ay iyong suot. Natikman mo na ba ang prutas na kasing hugis puso? Kulay dilaw ito at matamis kung hinog at berde at maasim naman kung ito ay hilaw pa. Ito ay walang iba kundi ang mangga ang ating pambansang prutas. Kailan mo ito ibig na kainin, kung ito ay kulay dilaw o kulay berde? MAKABAYAN 2 SEIBO COLLEGE 4 | Quizalize