5. Ang mga Tagalog ay may taglay na iba’t ibang mga katangian. Sila ay masayahin, magalang, magiliw at mahilig sa masasarap na pagkain. Ang mga babae ang namamahala sa gastusin ng pamilya. Karamihan sa mga lalaki ay maibigin sa mga kasayahan at may likas na kakayahan sa musika. Mahigpit din ang pagkakabuklod ng mag-anak na Tagalog. Sila rin ay mapamahiin.