Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Nang mamatay si Simoun ay inihagis ni Padre Florentino ang mga alahas nito sa dagat upang walang makakuha sa mga kayamanang ito. Ano ang isinisimbolo ng paghagis
na ito ng mga kayamanan?
Sa pag-uusap nina Padre Florentino at Simoun sa katapusan ng nobela, nabanggit ng
mang-aalahas na “Nais kong linisin ang bayan at wasakin ang binhi ng masasama.”
Ano ang ibig sabihin ni simoun sa kanyang pahayag?
Dahil sa kakulangan ni Don Costudio sa pinag-aralan, hindi siya pinahalagahan sa lipunang pansiyentipiko at pang-akademya sa Espanya. Kahit marami rin siyang brilyante ay napagkakamalan siyang taga bukid na hindi marunong lumakad nang maayos. Ano ang ipinapahiwatig nito?
Nais ni Isaganing gumawa nang marangal at iwasan ang masamang paraan upang makamit ang kahilingan. Ano ang kaisipang nakapaloob dito?
Nanatili ng labintatlong taon si Simoun sa ibang bansa mula noong siya ay umalis sa bayan ng San Diego sa tulong ni Elias. Mula sa pagiging si Crisostomo Ibarra ay nagbalatkayo siya kanyang pagbabalik bilang si Simoun na mang-aalahas. Ano ang pinakalayunin niya sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas?
“Ang karunungan ay ipinagkaloob lamang sa sadyang karapat-dapat na pagkalooban. Ang ipagkaloob iyon sa mga taong walang malinis na kalooban at mabuting asal ay kahalay-halay lamang.” Ang pahayag na ito ay mula kay Padre Fernandez noong nag-uusap sila ni Isagani. Ano ang nais nitong ipakahulugan?
Alin sa mga sumusunod ang kaisipang maaaring makuha sa kabanatang Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiago?
“Ang kanser ay magagamot lamang ng apoy at bakal. Ang kasalanan ay dapat pagbayaran.” Ano ang ibig sabihin ni Simoun sa pahayag na ito?
Nabigo si Isagani na kumbensihin si G. Pasta na siya’y mamagitan upang sumang-ayon si Don Custodio sa balak nilang pagpapatayo ng akademya ng wikang kastila. Bakit ipinayo ni G. Pasta nahayaan na lamang ng mga estudyanteng GOBYERNO ang kumilos para dito?
Ano ang ipinapahiwatig o ipinapakita ng ginagawa nina Makaraig, Isagani, Sandoval at iba pang mag-aaral na puspusang pagkumbinsi kay G. Pasta na kausapin si Don Custodio upang maaprubahan ang pagpapatupad ng akademya ng wikang Kastila?
Ito ang katangian ng mga Pilipinong ipinakita ni Rizal sa katauhan ni Huli na namasukan bilang kasambahay upang makaipon ng perang pantubos sa amang dinukot ng mga tulisan.
Alin sa mga sumusunod ang nais ipahiwatig ni Rizal sa mga kaganapan sa kabanatang pinamagatang mga Pilato?
Ang Tandang Basiong Makunat ay ipinababasa ni Hermana Penchang kay Huli sa kabanatang pinamagatang Mga Pilato. Ano ang dahilan kung bakit isinama ito ni Rizal bilang babasahing ipinapabasa samga Pilipino?
Ano ang dalawang katauhan o karakter na ipinakita ni Jose Rizal sa kabanata 7 na pinamagatang si Simoun na nagtataglay ng magkaibang pananaw sa buhay?
Paano ipinakita ang hindi makatarungang paggamit ng kapangyarihan ng mga Prayle sa kabanata 4 na pinamagatang Si KabesangTales?
Ano ang dahilan o intensyon ni Simoun sa pagpapakita niya ng kanyang rebolber kay
Kabesang Tales?
Alin samga sumusunod ang isang isyung panlipunan na makikita sa kabanata 11 na pinamagatang Los Baños?
Anong mabuting katangianng mga Pilipino ang ipinakita ni Rizal sa katauhan ni Kabesang Tales?
Ang Bapor Tabo ay sumasagisag sa ating pamahalaan noong panahon ni Rizal. Ito ay nahati sa dalawa, ang ibabaw at ilalim na kubyerta. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakahati ng dawalang kubyerta?
Ginamit niRizal si Basilio bilang tauhan sa El Fili bilang larawan ngestudyanteng_________.