
ESP 6 Q1-W4
Quiz by Benedict Rapsing
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Si Mang Nicanor ay isang Barangay Opisyal. Nakatanggap siya ng e-mail na magkakaroon ng pagpupulong ang lahat ng opisyales ng Barangay. Tiningnan niya ang pangalan ng nagpadala mula ito sa kalihim.
Nasa ika-anim na baitang si Josie. Handa na siyang pumasok sa paaralan ngunit napakalakas ng ulan. Narinig niya sa radyo na kinansila ng kanilang Mayor ang pasok sa elementarya at sekondarya dahil sa masamang kalagayan ng panahon. Tinawagan ni Josie ang kanilang paaralan upang eberipika ang narinig.
Nanonood ka ng telebisyon at nakita mo sa kanilang palabas na may makapal na usok malapit sa inyong lugar. Sinabi mo agad sa iyong ina na mayroong sunog malapit sa inyo. Nabigla siya at hinimatay dahil sa nerbiyos. Nalaman mo mula sa inyong kapitbahay na nagpa-fogging lamang pala sa inyong Barangay.
Nakatanggap ka ng mensahe mula sa kaibigan mo na naiinis ang isa mong kaklase sa iyo dahil sa palagi mong pagkuha ng matataas na marka. Hindi ka naniwala sa kanya dahil wala kang basihan nito.
Nakitamo sa iyong facebook account na may isang babaeng nanawagan kung sino ang nakakikilala sa matandang palaboy-laboy sa kanilang lugar at hinahanap ang kanyang pamilya. Nagkataon na kilala mo ang matanda at malapit lamang ang tirahan nila sa inyo kaya pinuntahan mo agad ang kanyang pamilya at ipinaalam ang kinaroronan ng matanda.