Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
24 questions
Show answers
  • Q1

    “Habang kami ay kumakain ay dumating ang Donya na amo ni itay at sa aking narinig, kami raw ay mga timawa. Iyon ang salitang hinding hindi ko makalilimutan kung kaya’t nagsumikap ako sa aking pag-aaral.” Batay sa punong salitang “mata”, ano ang maikakabit na salita na katangian ng Donya?

    mapangmata

    matabil ang dila

    matapobre

    matanglawin

    60s
    F10PB-IVi-j-83
  • Q2

    Mula sa kamusmusan ay namulat na si Adong sa pakikipagsapalaran sa lansangan. Lahat ng pang-iinsulto at pagmamalabis ay kaniya na ring naranasan. Lumaki siyang mag-isa na may sariling paninidigan at tapang.

    Alin sa sumusunod na kolokasyon ng salitang “puso” ang mayroon si Adong?

    pusong ligaw

    pusong mamon

    pusong sawi

    pusong bato

    60s
    F10PT-IIId-e-79
  • Q3

     “Ako’y naniniwala na hindi natin dapat panghinawaan ang mga pangaral ng ating mga magulang sapagkat ito ay para na rin sa ating ikabubuti.”  Alin ang wastong eptimolohiya ng salitang may salungguhit ?

    panghinawaan

    panghi+nawaan

    pang+hi+nawaan

    magsawa

    60s
    F10PT-IIa-b-72
  • Q4

    Pinasinayaan ng mga Marikenyo ang mulingpagbubukas ng tiyangge sa tabing ilog matapos ibaba sa alert level 3 ang Metro Manila. Alin ang wastong eptimolohiya ng salitang may salungguhit ?

    pinasinayaan

    pinasi+nayaan

    pina+sina+yaan

    pasinaya

    60s
    F10PT-IIa-b-72
  • Q5

    “Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad

    Sa bait muni't sa hatolay salat;

    Masaklap na bunga ngmaling paglingap,

    Habag ng magulang sairog ng anak”

    Ano ang sukat ng saknong na iyong binasa?

    walang tiyak na sukat

    lalabindalawahing pantig

    lalabingwaluhing pantig

    wawaluhing pantig

    60s
    F10PB-IIc-d-72
  • Q6

    “Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad

    Sa bait muni't sa hatolay salat;

    Masaklap na bunga ngmaling paglingap,

    Habag ng magulang sa irog ng anak”

    Ano ang talinghaga na mayroon sa saknong?

    Ang tamang pagdidisiplina ng magulang sa anak ay mahalaga para sa kaniyang pag-unlad.

    Nasa magulang ang sisi sa kung sino ang kaniyanganak sa paglaki.

    Hindi natututo ang bata kung siya ay hindi papaluin.

    Hindi naipaliliwanag ng magulang ang tunay naestado ng kanilang pamumuhay.

    60s
    F10PB-IIIc-82
  • Q7

    "Di mahulugang karayom, laman ng isip ko.

    Litong-lito, ako baga’y natutuliro.

    ‘Di ko malaman kung sa’n ba liliko.

    Basta alam ko, nariyan ka sa tabi ko."

    Alin sa sumusunod nataludtod sa binasang saknong ang may matalinghagang paglalarawan sa taongdumaraan sa maraming suliranin?

    ikatlong taludtod

    ikaapat na taludtod

    unang taludtod

    pangalawang taludtod

    60s
    F10PB-IIIc-82
  • Q8

    "Ginto at pilak sa bibig nakatarak

    Asal buwaya imong tinatahak

    Habol-habol, salakot at itak

    Sirit ng pula, bumulwak-bulwak"

    Alin sa sumusunod ang pinakamalapit na kahulugan at paglalarawan ng mga salitang ginamit sa tula?

    Ito ay naglalarawan sa pasakit na tinatamasa ngmga magsasaka.

    Ito ay nagsasaad ng kapalaran ng isang aba sa komunidad na kinabibilangan.

    Ito ay nagpapakita na daig ng malakas ang mgamahihina.

    Ito ay naglalarawan sa buhay ng isang magsasakaat ng Panginoong Maylupa.

    60s
    F10PB-IIIc-82
  • Q9

    Kapag nahirati ang isang bata sa puro luho ay mapapansin mong mamimihasa siyang huwag nang magsikap sa buhay sapagkat hindi siya natutong magbanat ng kaniyang buto.

    Ano ang dalawang salita na magkaugnay sa pangungusap?

    magsikap-natutong

    nahirati-mamimihasa

    nahirati-magbanat

    magsikap-mapapansin

    60s
    F10Pt-Ic-d-63
  • Q10

    Kailangang lagi tayong magmasid sa ating paligid dahil hind isa lahat ng pagkakataon ay lagi tayong handa kung kaya’t mainam pa ring magbantay sa galaw ng kaaway na sa di inaasahang panahon ay handang sumalakay.

    Ano ang dalawang salita na magkaugnay sa pangungusap?

    kaaway-sumalakay

    magmasid-magbantay

    pagkakataon-panahon

    handa-sumalakay

    60s
    F10Pt-Ic-d-63
  • Q11

    Sa mga Kuko ng Liwanag

    Buod

    Si Juio ay isang pobreng mangingisda na may kasintahang nangngangalang Ligaya.

    Isang araw ay umalis si Ligaya kasama si Gng Cruz at pinangakuang makapag-aaral at makapaghahanapbuhay sa Maynila.

    Hindi nakatiis si Julio kaya’t sumunod siya kay Ligaya. Napakalawak ng Maynila at hindi niya agad natagpuan si Ligaya. Naging biktima siya ng pang-aabuso at pagmamaltrato ng mga mapanlamang na tao sa lungsod. Nagtrabaho siya bilang isang mag-aanluwage at humantong sa pagbebenta ng sariling katawan.

    Dahil sa katagalan ay nawalan na ng pag-asa na matagpuan pa niya ang kasintahan. Ngunit nagbago ang lahat nang muli niyang makita si Ligaya at nalaman niyang ang kasintahan ay naging biktima rin ng prostitusyon.

    Nais  takasan ng dalawa ang kanilang kapalaran sa lungsod ngunit batid ni Ligaya na kayang-kaya siyang patayin ng kaniyang kinakasama saan man siya magpunta. Dumaan ang gabi at sa paggising ni Julio ay wala ng malay si Ligaya.

    Sinubukang ipaghiganti ni Julio ang kasintahan sa kinakasama nitong lalaki subalit nasaksihan ito ng mga tao. Pinagmalupitan siya ng mga mamamayan hanggang sa malagutan ng hininga.

    Lumutang sa akda ang teoryang ____.

    Humanismo

    Markismo

    Realismo

    Naturalismo

    300s
    F10PN-IIIh-i-81
  • Q12

    “Nais takasan ng dalawa ang kanilang kapalaran sa lungsod ngunit batid niLigaya na kayang-kaya siyang patayin ng kaniyang kinakasama saan man siya magpunta. Dumaan ang gabi at sa paggising ni Julio ay wala ng malay si Ligaya.”

    Ang teoryang pampantikan sa sitwasyon ay ____.

    Realismo

    Eksistensyalismo

    Markismo

    Humanismo

    60s
    F10PN-IIIh-i-81
  • Q13

    “Nagtrabo siya bilang isang mag-aanluwage at humantong sa pagbebenta ng sariling katawan.”

    Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?

    tubero

    inhinyero

    karpintero

    sipulturero

    60s
    F10PT-IIg-h-69
  • Q14

     “Nagtrabaho siya bilang isang mag-aanluwage at humantong sa pagbebenta ng sariling katawan.”

    Ang salitang prostitusyon sa binasang nobela ay nangangahulugang _____.

    pakikipagsapalaran

    pag-aalay ng buhay

    pagbebenta ng sariling katawan

    pagbibigay-aliw sa iba

    60s
    F10PT-IIg-h-69
  • Q15

    Alin sa mga sumusunod ang pangkat ng mgasalita/parirala ang mabisang gamitin sa pagsusuring-basa?

    kasi, samakatuwid,sinabi ni, ayon kay, batay kay, alisunod sa, teorya

    walang kupas, wagas, kagila-gilalas,kahanga-hanga, lalo, teorya

    samakatuwid, marapat, kasi, baga, sino, ano,kalian, paano, bakit, teorya

    angkop, mabisa, may kahinaan, sumasalamin, maykawilihan, teorya

    60s
    F10WG-IIf-69

Teachers give this quiz to your class