
GRADE 8 WORLD HISTORY 3rd quarter summative test
Quiz by Joemari Chavez
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Sino ang tinutukoy na mga iskolar na nanguna sa pag – aaral ng klasikal sa sibilisasyon ng Greece at Rome?
Ang salitang ito ay nangangahulugan ng muling pagsilang.
Bakit sa Italy isinilang ang Renaissance?
Ito ay ginamit bilang pampalasa sa pagkain, pangpreserba ng mga karne, pabango, kosmetiks at medisina
Isa ito sa mga unang dokumento ng Inglatera na nagbigay – proteksiyon sa pangunahing Karapatan ng tao sa di – makatarungang pagpapakulong at pagkamkam ng ari – arian.
Siya ay kinikilala bilang “Ang Tagapagpalaya” dahil sa kanyang pagpupunyagi na makalaya ang mga bansa sa hilagang bahagi ng Timog Amerika.
Ito ay ang makasaysayang pagtatapon ng mga produktong Tsaa mula sa barko ng Britanya na nakadaong sa pantalan ng Boston bilang pagpapahayag ng mahigpit na pagtutol ng mga Amerikano sa mapaniil na pagbubuwis sa kanilang kolonyang bansa.
Ang mga imbensyon gaya ng spinning jenny at cotton gin ay malaking tulong sa industriya ng _____.
Ang may akda ng Deklarasyon ng Kalayaan ng Estados Unidos na nagsasaad ng pagsasarili nito sa dating Kolonya ng Britanya.
Isinulong ng mga siyentista ang paggamit ng ______ upang patotohanan ang anumang teorya nila.
Tawag sa simula ng Panahon ng Pagsisiyasat sa pamamagitan ng pag – eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob.
Sino ang tumuklas sa America?
Ang kinikilalang pilosopo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katwiran, at pamamayani ng pamahiin at bulag ng paniniwala noong Middle-Ages.
Ang bantog na pilosopo sa larangan ng politika na naniniwala sa ideya ng paghahati ng kapangyarihan na nagbunga nga sa paghahati ng pamahalaan sa tatlong sangay. Ito ay ang Lehislatura, Ehekutibo at Hukuman.
Tawag sa transpormasyon kung saan pinalitan ang gawaing manwal sa mga bagong instrumentong makinarya.
Digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte na naglalayong pag – isahin ang buong Europa.
Sa kanyang ekspedisyon natagpuan ang hilagang baybayin ng South America o Brazil, nilakbay ang isang makitid na daanan ng tubig ang Strait of Magellan, pinasok ang malawak na karagatang Pasipiko hanggang marating ang Pilipinas.
Tawag sa mga taong naniniwala at nagpapalaganap ng ideyang “Ang Lupa ang Tanging Pinagmulan ng Yaman at Nakatutulong sa Pagpapayaman”.
Natagpuan ng personalidad na ito ang pinakatimog na bahagi ng Africa na kilala sa katawagang Cape of Good Hope noong Agosto, 1488.
Ito ay ginamit bilang pampalasa sa pagkain, pangpreserba ng mga karne, pabango, kosmetiks at medisina.