
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa ESP 6
Quiz by JOSHUA SAPAD
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Laging nahuhuli sa pagpasok sa paaralan si Carlo dahil ayaw niyang tumulong sa paglilinis ng kanilang silid-aralan.
Ginagawa ni Jessica ang mga tungkulin niya sa gawaing bahay upang mapagaan ang trabaho ng kaniyang mga magulang.
Binabalik agad ni Reynalyn ang mga gamit na hinihiram niya sa kaniyang kapitbahay.
Hindi dumating sa takdang oras ng usapan si Christian dahil mabagal itong kumilos.
Sinadyang kinalimutan ni Laureen ang ipinangako niyang pasalubong sa mga nakababatang kapatid at pinsan.
Tumapad si Joseph sa tamang oras at lugar na pinagkasunduan nilang magkakaibigan sa pag-gawa ng proyektong pangkomunidad.
Pinangatwanan ni Brenda ang kaniyang pangako sa ama na tutulong ito sa pag-igib ng tubig at pagsisibak ng kahoy.
Hindi humingi ng pasensiya si Pauleen sa mga kasamahan niya sa dance group nang minsan mahuli ito ng dating sa kanilang pagsasanay.
Nanumpa si Anastasia sa guro na hindi na siya mang-aaway ng kamag-aral ngunit hindi niya ito tinupad dahil patuloy pa rin siya sa panunukso sa mga ito.
Nilabag ni Sophia ang alituntunin ng kanilang paaralan na huwag magtatapon ng basura kung saan-saan kahit alam niyang mali ito.
Araw ng Sabado at naalala mo na may usapan pala kayo ng mga kamag-aral mo na tatapusin ninyo ang proyektong ibinigay ng guro sa asignaturang Filipino. Inaasahan ka ng mga kamag-aral mo na tutupad ka sa iyong ipinangako na tutulungan mo silang mag-isip ng magandang ideya upang mas mapaganda pa nila ang kani-kanilang proyekto. Ano ang gagawin mo?
Sa inyong mga magkakaklase ikaw lamang ang mayroong Ensiklopedya. Isang araw pinuntahan ka ng isa sa mga kamag-aral mo at nakiusap na hihiramin niya ito para sa takdang- aralin ninyo. Pumayag ka dahil nangako siyang ibabalik din niya ito kinabukasan. Dumating ang bukas at hindi niya naisauli ang libro. Ano ang gagawin mo?
Kaarawan bukas ng iyong matalik na kaibigan at nangako ka sa kaniya na dadalo ka sa gaganapin na munting pagdiriwang sa kanilang tahanan. Ngunit sa araw ng kaarawan niya ay biglang sumama ang pakiramdam ng iyong nanay at hindi niya magawang gawin ang mga gawain bahay. Ano ang gagawin mo?
Usapan ninyong magkakaibigan na manonood kayo ng dance contest sa plasa, Nakatakda kayong magkita-kita sa hintayan ng sasakyan malapit sa inyong paaralan ng ika-5 ng hapon. Hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mong nauna na sila sa plasa. Ano ang gagawin mo?
Ipinangako ng tatay mo na bibilhan ka ng bagong pares ng rubber shoes. Nang dumating siya hindi mo nagustuhan ang tatak ng sapatos na binili niya para sa iyo sabi niya sa iyo, “Anak ito lang ang tatak ng sapatos na kaya kong bilhin.” Ano ang gagawin mo?
Walang pinipiling __________ ang pagtupad sa pangako.
Bata man o __________ ay kailangang sumunod.
Laging isaisip ang __________ ng isang tao.
Kapag ito’y nasira, Ito’y mahirap nading __________.
Parang isang __________ plato.
Kahit anong pandikit ay hindi na nito mapapawi ang __________
Kapag may __________ sa katapatan ng isang tao.
Maaaring ganoon din ang magiging __________ niya sa iyo.
Ang __________ ng tiwala sa isa’t isa ay tiyak na hindi magagawa ang layunin.
Ngunit kung kayo ay matapat sa isa’t isa, lahat ng layunin ay tiyak na ___________
“Hindi raw maganda ang aking ipininta. Sisirain ko nalang ito”
“Hindi ko na itutuloy ang isinulat kong tula dahil hindi naman daw ito tugma”
“Wala akong pakialam sa sinasabi nila kahit tama o mali ay gagawin ko pa din ito”
"Ayaw ko na ang dami naman nilang puna"
"Sa dami ng nagsabing hindi maayos ang gawa ko ay gugustuhin ko na umiiyak”
“Sinabihan ko na hindi magaling magpinta ang kaklase ko dahil yun din ang sinabi nya sa akin dati”
"Tama naman ang aking guro kaya pagbubutihan ko nalang sa susunod at susundin ko ang mga ibinigay niyang payo"
“Sa susunod ay mamahaling pintura na ang gagamitin ko para mapahanga sila”
 “Ano ba naman yan, Parang Grade 2 ang gumawa ng proyekto mo”
"Hindi ka sure, baka ikaw pa ang magpatalo sa grupo natin"
Maging kapaki-pakinabang ang iyong suhestiyon
Para sa ikabubuti ng iyong kapwa
Mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa sa pagpapahayag ng kani-kaniyang opinyon
Makatulong sa tiyak na gawain na nangangailangan ng iyong suhestiyon
Magkaroon ng pantay na pagtingin sa karapatan ng ibang tao
Ayusin ang mga letra upang mabuo ang mga salitang kaugnay ng Paggalang sa Suhestiyon ng Iba.
NAAWANUAKAKGAP
NAHIDNITNIAKAKGAP
OTEPSER
ASIAKAKGAP
YAPMUGAT
Nagkamali sa paggawa ng report si Juana, humingi siya ng paumanhin sa klase at nagsabing pagbubutihin niya sa susunod.
Nagkaisa ang klase ni Bb. Reyes na maghanda ng natatanging bilang para sa darating na Araw ng mga Guro, taliwas ito sa suhestiyon mo.
Maganda ang ibinigay na suhestiyon ni Elsa ngunit mas pakikinabangan ng nakararami ang suhestiyon ni Lina. Ano ang gagawin mo bilang pangulo ng inyong klase?
Mahilig si Anjo sa ulam na karne, ngunit lagi naman niluluto ng nakatatanda niyang kasama sa bahay ay gulay dahil bukod sa mas mura ang gulay ay maganda pa ito sa katawan.
Kinausap ng nakatatandang kasama sa bahay ang magkaibigan na nag-away. Inalam niya ang naging sanhi ng kanilang alitan at saka niya sila pinayuhan.