
komu q2
Quiz by Sendy De Leon
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Mga Tanong na ginagamit sa pakikipanayam
ito ay sumasagot lamang sa tanong na “oo o hindi , may pamimilian o tiyak na kasagutan.
tanong na walang restriksyon. May higit na kalayaang sumagot.
mga tanong na inihanda bago pa man isagawa ang pakikipanayam.
ibinabatay sa mga sagot ng kinapapanayam (follow up questions)
dalawang uri ng barayti
limang permanenteng barayti
Ito ay panrehiyon o heograpikal na barayti ng wikang may sariling ponolohiya, sintaksis at leksikon (vocabulary). Ito rin ang baryasyon ng wika sa loob ng isang wika.
Ito ay barayti ng wikang kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal. Ito ay mayroong personal o pansariling paraan ng pagsasalita sa bawat isa. Walang dalawang taong nagsasalita ng iisang wika ang bumibigkas nito nang magkaparehong magkapareho. Samakatuwid, ito ay ang tipikal na wika ng isang tao.
Ito ay baryasyon ng wikang dulot ng dimensyong sosyal. Ito ay nakabatay sa katayuan o antas panlipunan ng mga taong gumagamit ng wika gaya ng kalagayang panlipunan
Ito ay ang wika ng mga bakla. Tinatawag din itong beki language o bekimon. Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
Tinatawag ding conyospeak o coñotic na isang barayti ng Taglish/Fillish. Pinaghahalo ang salitang Filipino at Ingles kaya nagkakaroon ng code switching gaya na lamang ng “Let’s make kain na”, “Come on na”, o ‘di kaya’y “Sige, go ahead na”
Hindi naman maiaalis na kung may “pasosyal” ay mayroon ding “jologs” na kinabibilangan naman ng jejemon. Sinasabing mula ito sa pinaghalong jejeje na isang paraan ng pagbabaybay ng hehehe at ng salitang Hapon na pokemon. Ang jejemon o jejespeak ay nakabatay rin sa wikang Ingles at Filipino nga lamang, isinusulat ito sa paraang pinaghahalo ang mga numero, mga simbolo, malalaki at maliliit na letra na nagpapahirap sa mga mambabasa na hindi pamilyar sa tinatawag na jejetyping. Madalas na nagagamit ang mga titik H at Z. Ilan sa halimbawa nito ang salitang “Ako ito” na nagiging “aQcKuHh iT2h” o di kaya’y “Kumusta?” na nagiging “MuZtaH”.
Ito ay barayti ng wikang mula sa mga etnolingguwistikong grupo. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
Ito ay barayti ng wikang kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, madalas itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan. May mga pagkakataon sa loob ng tahanan na nagiging hudyat upang makabuo ng katawagan sa isang bagay tulad ng mga nakatutuwang pangyayari. Sakop din nito ang tradisyon o paniniwala ng isang pamilya
Ito ay baryasyon ng wika batay sa propesyon, uri at paksa ng talakayan o larangang pinag-uusapan. Ang bawat tao ay may kani-kaniyang code na ginagamit sa pakikipagtalastasan. Nagsisilbing rehistro ng wika nilang espesiyalisado lamang sa kanilang pangkat. Nagkakaroon ng Jargon na tumutukoy sa mga tanging bokabularyo ng isang pangkat.
nagbabago ang antas ng pormalidad ng wika batay sa relasyon ng mga nag-uusap at/o okasyon. Kung pormal ang pagtitipon, pormal din ang wika. Kung kuwentuhan o simpleng talakayan lamang, impormal o casual ang wika (lalo na kung ang kausap ay malapit na kaibigan).
Paraan ng pagpapahayag (pasalita man o pasulat). Mas mahigpit ang pagpapatupad ng mga tuntuning gramatikal sa paraang pasulat at mas maluwag naman ang paraang pasalita
ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na “Nobody’s Native Language” o katutubong wikang ‘di pag-aari ninoman. Ito ay bunga ng pag-uusap ng dalawang taong parehong may magkaibang unang wika kaya’t ‘di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa kaya magkakaroon sila ng make-shift language o wikang pansamantala lamang. Dahil dito makalilikha sila ng isang wikang pinaghalo ang kani kaniya nilang unang wika.
tinatawag na____ ang pidgin kapag naging inang wika o mother tongue ng isang pangkat. Pidgin na nagkaroon na ng mga native speakers. ‘Di gaya ng pidgin, ang ______ay ginagamit sa mas malalawak na larangan.
ay naaayon sa mga tuntunin ng wika o balarilang kayarian na alam ng taong nagsasalita ng wikang ito.
Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko
Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko
(para sa pagbigkas)
• Segmental (katinig, patinig, pantig, tunog)
• Suprasegmental (haba, diin, tono, antala/hinto)
Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko
(para sa pagbuo ng salita)
• Iba’t ibang bahagi ng pananalita
Mga salitang pangnilalaman (Content Words)
Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko
(para sa ayos ng pangungusap)
• Ekstruktura ng pangungusap
• Tamang pagkasunod-sunod ng mga salita
• Sugnay na makapag-iisa at sugnay na di-makapag-iisa
• Uri ng pangungusap ayon sa gamit
o pasalaysay, patanong, padamdam, pautos
• Uri ng pangungusap ayon sa kayarian
o payak, tambalan, hugnayan, langkapan
• Pagpapalawak ng pangungusap
Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko
(para sa bokabularyo)
• Mga paraan sa pagbuo ng mga salita
o Pagtatambal, Akronim, Pagbabawas, Pagdaragdag, Paghahalo, mga salita mula sa panggalan
• Konotasyon
o denotasyon
• Kolokasyon – pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita
• Idyoma
Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko
(para sa pagbabaybay)
• Mga grafema (titik at di-titik)
• Pantig at palapantigan
• Tuntunin sa pagbaybay
• Tuldik
• Mga Bantas
Paletra ang _____________________ sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-ingles ng mga titik, maliban sa (enye) na tunog-Espanyol. Ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga titik na bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, inisyal, akronim, simbolong pang-agham, at iba pa.
kelan gagamitin ang "R"
kelan gagamitin ang "D"
limang tiyak na paggamit ng nang:
Tumutukoy ito sa kakayahang gamitin ang wika sa isang kontekstong sosyal o nang may naangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon. Isinasaalang-alang ng isang tao ang ugnayan ng mga nag-uusap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar na kanilang pinag-uusapan.
speaking by dell hymes (1974)
SPEAKING – Dell Hymes (1974)
Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao.
SPEAKING – Dell Hymes (1974)
Ang mga taong nakikipagtalastasan.
SPEAKING – Dell Hymes (1974)
Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan.
SPEAKING – Dell Hymes (1974)
Ang takbo ng usapan
SPEAKING – Dell Hymes (1974)
Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapat ding isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal o di pormal.
SPEAKING – Dell Hymes (1974)
Tsanel o midyum na ginagamit, pasalita o pasulat.
SPEAKING – Dell Hymes (1974)
Paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan.
SPEAKING – Dell Hymes (1974)
Diskursong ginagamit kung nagsasalaysay, nakikipagtalo o nangangatwiran.
nagkakaroon ng kabuluhan ang anomang salita o pahayag ng indibidwal kung ito ay nailulugar sa boob ng lipunan at itinatalastas sa kausap o grupo ng mga tao.
lumilikha ng iba pang natatanging barayti ng Filipino — Ilokano-Filipino, Bikol-Filipino, Kapampangan- Filipino, Hiligaynon-Filipino, at iba pa.
pangyayari ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng mga barayti ng isang wika.
Mataas ang ating pagbabahaginan ng mga kahubugan kahit sa pamamagitan ng pahiwatig.
Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o pagpupuntirya:
Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang mga taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan:
Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng pandama:
Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay napatatamaan siya:
KAKAYAHANG PRAGMATIKO AT ISTRATEDYIK\
Uri ng komunikasyon
Anyo ng Di-berbal na Komunikasyon
Tumutukoy ito sa kilos at galaw ng katawan.
Ito ay tumutukoy sa layo o distansiya ng kausap sa kinakausap.
Ito ay tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon.
Tumutukoy ito sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid.
Ito ay tumutukoy sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe.
Tumutukoy ito sa galaw ng mata. Sinasalamin nito ang damdamin ng isang tao—ito man ay sinasabi o hindi at ang pagnanais na makipagusap.
Ito ay tumutukoy sa mga di-lingguwistikong tunog gaya ng kalidad at paraan ng pagsasalita. Kabilang dito ang katahimikan o kawalangkibo, simbolong tunong (ah, uhm, uhu, buntong-hininga, pagsutsot) at boses (bilis, timre, tono ng boses at lakas).
Ito ay tumutukoy sa amoy. May mensaheng naipadadala rin ang amoy ng bagay, tao, paligid at iba pa. Kadalasang ang mabangong amoy ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon samantalang negatibo naman sa mabahong amoy.
Tumutukoy ito sa mga simbolong makikita sa paligid o bagay gaya sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp. Halimbawa nito’y ang simbolo ng babae at lalaki sa mga palikuran. Kahit na walang nakalagay na sulat, maiintindihan na ito agad ng mga makakikita nito.
Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang kulay na maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Halimbawa, ang pagsusuot ng kulay itim ay kadalasang maiuugnay sa pagdadalamhati.
Tumutukoy ito sa paggamit ng mga bagay o pananamit sa komunikasyon. Halimbawa, kapag nakita mong may hawak-hawak na batuta, sinturon o patpat ang iyong mga magulang, nangangahulugan itong galit na sila.
tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag- usap at ng kaayusan nito. Mahihinuha ang intensiyon ng kausap batay sa kung saang lugar niya nais makipag-usap.
Isa sa bahagi ng larangan ng lingguwistika na tumutukoy sa intensyon at kahulugan ng mensaheng nakabatay sa ikinikilos ng taong kausap—sinasabi man o di-sinasabi ay tinatawag na kakayahang pragmatiko. Pinag-aaralan nito ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan batay sa paggamit at sa konteksto.
Ito ay tumutukoy sa mga estratehiyang ginagawa ng isang tao upang matakpan ang mga di-perpektong kaalaman natin sa wika nang sa gayon ay maipagpatuloy ang daloy ng komunikasyon. Ginagamit dito ang berbal at di-berbal na paraan ng pakikipagkomunikasyon.
Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay nangangahulugan ng pagsasamasama at pag-uugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang pahayag. Maaaring ang mga pahayag ay naipamamalas sa ugnayan ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Maaaring magpahayag din nang mag-isa, gaya sa mga interbyu, talumpati, o pagkukuwento.
Dalawang Uri ng Kakayahang Diskorsal
Dalawang Uri ng Kakayahang Diskorsal
tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal, transkripsiyon, at iba pang pasulat na komunikasyon. Sinasabing ang pagbabasa ay walang kabuluhan kung hindi ito naunawaan.
Dalawang Uri ng Kakayahang Diskorsal
tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa usapan o talastasan. Inuunawa nito ang iba’t ibang tagapagsalita at nakapagbibigay ng sariling pananaw, kaalaman o opinyon hinggil sa usapan
Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o pagpupuntirya:
isang mensaheng sinadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa paligid.
Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o pagpupuntirya:
isang mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan nang bahagya ang kinauukulan nito.
Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang mga taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan:
malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa kaharap na kausap kundi sa sinomang nakikinig sa paligid.
Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang mga taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan:
mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang, at iba pang mensaheng nakasasakit sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.
Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng pandama:
isang mensaheng ipinaaabot ng tao, o maging ng espiritu, sa pamamagitan ng mga ekspresyong nararamdaman gaya ng pagdadabog, pagbabagsak ng mga kasangkapan, malakas na pagsasara ng pinto, kaluskos, at iba pa
Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng pandama:
isang mensaheng may layuning humingi ng atensiyon na kadalasang naipahahayag sa pamamagitan ng pagtatampo, pagkabalidosa sa pananamit at pagkilos, sobra-sobrang pangungulit, at iba pang kalabisang kumukuha ng pansin.
Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay napatatamaan siya:
pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na karaniwang tinututulan ng nakikinig bilang isang paalala na maaaring may masaktan: “Dahandahan at baka makasagasa ka.”
Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay napatatamaan siya:
mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at umiikot sa isang paksa na hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon at kadalasang kinaiinisan ng nakikinig sa pagsasabing, “Huwag mo akong paandaran.”