Loading...

MĂRIMI FIZICE_UNITĂȚI DE MĂSURĂ
Quiz by CODRUTA CAPATINA
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
MARII BEALAJARRR
Mas Marami Mas Kaunti Magkapareho
mas marami, mas kaunti
MAMMIFARI MARINI
Isagot ang U kung dapat kumain o uminom lamang ng kaunti, T kung katamataman at I naman kung dapat kumain ng marami nito.
ARALIN 1: Kategorya ng Pangngalan Pangngalan (noun) – tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Mayroon itong dalawang uri: A. Pantangi B. Pambalana 1. Pantangi (proper noun) – ito ay tiyak na pangngalang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari o kaisipan. Nagsisimula ito sa malaking titik. Halimbawa: Jose Rizal, Maynila, Pilipinas 2. Pambalana (common noun) – ito ay pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa. Nagsisimula sa maliit na titik maliban na lamang kung nasa unahan ng pangungusap. Halimbawa: guro, paaralan, hayop, lungsod, bayaniMga Uri ng Pangngalang Pambalana 1. Kongkreto o Tahas - Pangngalang ginagamitan ng isa sa limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam, pang-amoy). Ito ay may katangiang pisikal kaya nakikita at nahahawakan. Halimbawa; pagkain, manggagawa, damit 2. Di-Kongkreto o Basal - Pangngalang tumutukoy sa kaisipan o konsepto na hindi ginagamitan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Hindi ito nakikita o nahahawakan. Halimbawa: kalayaan, kasipagan, pagmamalabis 3. Hango - Pangngalang tumutukoy sa payak na pangngalan na may panlapi. Halimbawa: kagubatan, kaibigan 4. Lansak - pangngalang nangangahulugan ng karamihan o kalipunan ng marami. Halimbawa: lupon, tribu 5. Patalinghaga – pangngalang pambalanang di-tuwirang tumutukoy sa pinaguukulan ng salitang hindi literal ang pagpapakahulugan dito, bagkus ayon sa interpretasyon na nakabatay sa karanasan ng bumabasa. Halimbawa: a. Ang kawanggawa ang puso ng organisasyon. b. Ang ina ang ilaw ng tahanan.
Ang sinumang bansa ay madalas makilala dahil sa mga sagisag nito. Isa ang ating bansa, ang Pilipinas sa mga bansang mayaman nito. Narito ang mga sagisag ng ating bansa na talaga namang kahanga-hanga. Halika na! At sabay-sabay natinitong basahin at pag-aralan. Ito ang watawat ng ating bansa. Ito ang tinatawag na sagisag ng ating bansa. Natandaan mo ba ang nakaraang aralin tungkol dito? Ang ating Pambansang awit ay inaawit habang itinataas o ibinababa ang ating watawat. Ang pamagat nito ay Lupang Hinirang. Ang Pambansang tula ay binibigkas pagkatapos awitin ang Lupang Hinirang. Panatang Makabayan ang tawag natin dito. Nakikilala mo ba kung sino ang nasa larawan? Walang iba kundi ang ating pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal. Siya ay matapang, mapagmahal sa kapwa Pilipino at sa bayan, at hindi rin matatawaran ang kanyang katalinuhan. Isa siya sa mga bayani n gating bansa na ibinuwis ang buhay para tayo ay maipagtanggol at makalaya sa mga dayuhan na sumakop sa atin. Marahil ay marami ka pang nalalaman tungkol kay Dr. Jose Rizal at sa kanyang mga kabayanihan. Maaari mo itong ibahagi sa iyong mga kamag-aral MAKABAYAN 2 SEIBO COLLEGE 36 habang binabasa ninyo ito. Saan nga natin matatagpuan ang kanyang monumento? Filipin
Mga Popular na Babasahin Ang pahayagan na isang uri ng print media na nananatiling buhay at bahagi ng ating kultura. Isa sa mga katibayan nito ay ang mga nagkalat na tabloid sa mga bangketa araw-araw. Bagama’t ang ilang mahahalagang balita ay makikita na sa telebisyon at maririnig na sa radio ay malakas pa rin ang hatak ng print media sa mga tao dahil sa katotohanang hindi naman naiuulat lahat ang mga balita sa TV at radio. Bukod dito, hangga’t naitatabi ang sipi ng pahayagan ay may epekto pa rin sa mga mambabasa ang mga nilalaman nito. Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Ito ay nabibilang ding isang makulay at popular na babasahin na ang layunin ay magbigay aliw sa mga mambabasa, magturo ng iba’t ibang kaalaman, at magsulong ng kulturang Pilipino. Ang magasin ay isang ring uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan ng mga Pilipino dahil sa aliw na hatid nito at mga impormasyong makukuha rito. Hindi mawawala ang Liwayway kung ang pag-uusapan ay ang paglaganap ng magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at mga nobela na naging instrumento upang umunlad ang kamalayan ng marami sa kulturang Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa kabahayan ng pamilyang Pilipino. Ang dagli ay isang anyong pampanitikang maituturing na maikling maikling kuwento. Bagama’t walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kinikilalang mga manunulat ng dagli ay sina Iñigo Ed. Regalado na may bansag na Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana Lope K. Santos at Eros Atalia. Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na "talaan sa web"). Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Karamihan sa mga tao ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat kasunod ng blog na iyon. Tinatawag na mga blogero (mula sa Ingles na blogger o literal na "taga-blog") ang mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero sa mga blog ang kanilang mga opinyon at mga naiisip. Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa; ang ilan naman ay ginagamit ito para gawing online diary (talaarawang nasa internet). Isang mahalagang bahagi ng mga blog ay ang pagiging interaktibo, iyon ay ang kakayahang mag-iwan ng mga komentaryo mula sa mga taong nagbasa ng isang partikular na blog.Karamihan sa mga blog ay binubuo lamang ng purong salita (o textual), pero mayroon ding nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog), larawan (photoblog), mga bidyo (video blogging), musika (MP3 blogging), at mga tunog (podcasting). Microblogging naman ang tawag sa blog na sobrang ikli