
Phase 3 FC Mini-PreBoard 7 - 70 aytem
Quiz by Salindunong RTC
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ito ay yugto ng pagkatuto ng wika na kung saan ang mga mag-aaral ay nakapagpapahalaga ng mga salita at parirala bagamat may mga pagkakamali pa ring taglay dahil sa sariling pag-unawa?
Sa K-12 na kurikulum, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang ?
Ito ay kurikulum ng edukasyong nagbibigay-diin sa pagtataya bilang kagamitang panturo tungo sa pagkatuto sa halip na isang paraan para sa layunin ng pagmamarka.
Anong pagsusulit ang higit na madaling ihanda, lumilinang ng kasanayang magpahayag, binubuo, hindi nagbibigay puwang sa panghuhula at nakapagtataya ng maraming bagay?
Ito ay aktibong proseso ng paghahatid at pagkuha ng mensahe at tugon sa pamamagitan ng interaksyon ng tagahatid at tagatanggap?
Ito ay inilalarawan ni Goodman bilang isang psycholonguistic guessing game?
Ang tugon ng tagatanggap ng mensahe sa komunikasyon ay tinatawag na ?
Ang pagbasa ng mga letra sa bagong alpabeto ay alinsunod sa?
Ano ang salitang-ugat ng PANITIKAN?
Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at panitikang pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng kamalayang global. Ito ay pamantayan ng anong baitang sa K-12 na Kurikukum.
Uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
Naglalahad ng katotohanan o impormasyon tungkol sa mga pangyayaring naganap, nagaganap o magaganap pa lamang.
Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong paramakapagimpres?
Nangangailangan ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.
Ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa upang makatuklas sila ng isang paglalahat.
Ito ay ang pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbulong nakalimbag sa pahina?
Si Irene ay naniniwala na hangga't maari ay dapat malapit ka sa nagsasalita para sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng usapan, anong uri ng pakikinig ito?
Ito ay isang masalimuot na prosesong pangkaisipan kung saan ang mambabasa’y aktibong nagpaplano, nagdedesisyon at nag-uugnay ng mga kasanayan at istratehiyang nakatutulong sa pag-unawa?
Sino ang nagpahayag ng sumusunod: “ Ang isang bayang bumubuo sa isang kabansaan at isang estado ay dapat magkaroon ng isang wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”
Nakatuon ang mga mata ng bumabasa sa partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal.
Naipamalas ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at akdang Panitikang Pang-Asyano. Ito ay pamantayan ng anong baitang sa K-12 na Kurikukum.
Ito ay isang uri naman ng teksto na nagsasalaysay ng serye ng mga pangyayari. Ito ay nakatuon sa kung paano nangyari ang mga tagpo, kompleto sa panahon, tagpuan, at mga tauhan. Sumasagot sa tanong na ANO, SINO, SAAN, AT KAILAN?
Sino sa mga sumusunod ang bumuo ng akronim na SPEAKING alang-alang sa pagkakaroon ng epektibong pagpapahayag?
Panandang ginagamit upang magsaad ng pansamantalang pagtigil sa pagbasa o sa daloy ng idea at sa pagdidiin sa paliwanag.
Ito ang tawag sa lahat ng mga gawain, kagamitan, paksa at mga layuning isinasama sa pagtuturo ng mga asignatura sa paaralan.
Ang indibidwal ang siya mismong nagiging tagapagpahatid at tagatanggap mensahe. Anong proseso ng komunikasyon ito?
Ang Ale!, Ate!, Ikaw! ay mga halimbawa ng ________.
Ang “ABCD” ng State Objectives sa ASSURE model ay tumutukoy sa: Alin ang HINDI?
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin pa sa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Anong probisyong pang – wika ng nagsasaad nito?
Ang mga salitang klima, krimen, prinsipe at trabaho ay mga halimbawa ng ________.
Ang mga sumusunod na binubuo ng mga makrong kasanayang pangwika maliban sa isa?
Ito ay ang pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-unawa?
Tumutukoy sa mga sining na biswal katulad ng musika, arkitekto, pintura, eskultura, teatro o dula at panitikan.
Anong pamamaraan ang dapat gawin ni Bb. Donna kung nais niyang ipakita ang simulain ng pakikipagsapalaran sa loob ng klasrum?
Ang Batas Komonwelt Blg. 184 (1963) ay lumikha ng isang lupon at itinakda na siyang pipili ng isang katutubong wika na pagbabatayan ng wikang pambansa. Nagpatuloy ito sa tungkulin ng pagpapaunlad ng wikang pambansa . Alin ang wastong pagkakasunud-sunod na pagbabago sa pangalan nito hanggang sa kasalukuyan?
“Nahuhubog at napapa-unlad ang mga kasanayang mag-iisip at kakayahang mangatwiran sa pamamagitan ng pakikinig tungkol sa mga kaalamang pangwika at pampanitikan.” Ang nasa panipi ay halimbawa ng kasanayang dapat malinang sa Filipino sa SEDP kurikulum sa kakayahang ?
Taon kung kailan ipinahayag ni Pang. Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog.
Ideya ng paggamit ng iba’t ibang wika dahil sa magkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.
Sino ang nagpahayg ng sumusunod: “Ang pangarap ko ay makausap ko nang tuwiran ang pinakaabalang mamamayan saan mang sulok ng
ating bansa sa pamamagitan ng ating katutubong wika…. Ito sa wari ko ay unti-unti nang nagaganap sa pamamagitan ng wikang Filipino.”
Ang salitang pinakanakakapagngitngitngitngitang-pagsisinungasinungalingan ay mayroong ilang pantig?
Kung nais mong pag-aralan ang natamanog akademik performance ng mga mag-aaral sa balarila, anong instrument ang pinaka angkop mong gamitin tungo sa mas makabuluhang resulta o kalabasan?
Uri ng pananaliksk na itinuturing na may mas tumpak na taglay na resulta bagaman may kaakibat na isyu hinggil sa relayabiliti nito. Kayanaman, kinakailangan ang maingat na pagproseso lalo na sa pagpili at pagbuo ng pangkat na lalahok sa naturang gagawing pag-aaral upang matugunan at masolusyunan ang mga balakid o sagabal.
Alin sa sumusunod ang isang pangngalang palansak?
Ang“pangarap” ay isang pangngalang:
Hangarin nitong makapagbigay nang wasto at epektibong pakikipag-ugnayan gamit ang mga sagisag pangwika?
Nasa anong antas ng wika kabilang ang mga salitang tulad ng NASAN at PA’NO?
Anong antas ng wika ang salitang DYAHI?
Ang salitang “bana” ay halimbawa ng anong antas ng wika?
Anong uring pangungusap ang “Magandang araw po”?
Ito ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin itong kahulugan na hindi na ngangangailangan ng iba pang morpema.
Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sa tamang pagsasaayos ng mga salita para makabuo ng isang pangungusap na nagsasaad ng buong diwa?
“Maraming Salamat”. Ito ay anong uri ng pangungusap?
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang talumpati na kung saan maagang ipinaalamang mga kalahok tungkol sa ano ang paksa ng talumpati?
Si Fe ay masaya sa kanyang kaarawan. Ang salitang “masaya” ay isang:
“Tanghali na.” Anong uri ito ng pangungusap na walang tiyak na paksa?
Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sa pag-aaral ng kahulugan ng tunog o ponema?
Sa pananaliksik, saang kabanata matatagpuan ang tungkol sa suliranin at ang kaligiran nito?
Siya ay kilala sa kanyang sagisag-panulat na Huseng Sisiw.
“Kumakain ng prutas si Jerome.” Ibigay ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap.
Hayun ang mga bata na masayang naglalaro. Ang salitang hayun ay isang:
“Pinagbakasyunan nina Jun at Rachel ang Arizona”. Ano ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap?
“Ipinaglutong kanyang asawa si Jacob”. Ano ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap?
Ang salitang “parak” ay nasa anong antas ng wika?
Alin sa mga sumusunod na pangngalan ang HINDI tahas?
Alin salita ang may diptonggo?
Nagpupuyos sa galit ang kanyang ina nang malaman nito ang pagbubulakbol sa klase.
“Kumakain ng prutas si Jherame”. Ibigay ang pokus ng pandiwana nasa pangungusap.
Alin sa mga salita sa ibaba ang nasa kayariang KPPKKPKPKP?
Sino ang may-aksa ng Dasalan at Tocsohan?
Isang tanyag na Pilipinong manunulat na may sagisag-panulatna “Agap-ito Bagumbayan”.