
PRE-TEST FILIPINO10_IKALAWANG MARKAHAN S.Y. 2021-2022
Quiz by cristy merlan
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 6 skills from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Panuto. Unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. “Habang kami ay kumakain ay dumating ang Donya na amo ni itay at sa aking narinig, kami raw ay mga timawa. Iyon ang salitang hinding hindi ko makalilimutan kung kaya’t nagsumikap ako sa aking pag-aaral.” Batay sa punong salitang “mata”, ano ang maikakabit na salita na katangian ng Donya?
mapangmata
matanglawin
matapobre
matabil ang dila
30sF10PB-IVi-j-83 - Q2
2. Mula sa kamusmusan ay namulat na si Adong sa pakikipagsapalaran sa lansangan. Lahat ng pang-iinsulto at pagmamalabis ay kaniya na ring naranasan. Lumaki siyang mag-isa na may sariling paninindigan at tapang.
Alin sa sumusunod na kolokasyon ng salitang “puso” ang mayroon si Adong?
pusong sawi
pusong mamon
pusong ligaw
pusong bato
30sF10PB-IVi-j-83 - Q3
3. “Ako’y naniniwala na hindi natin dapat panghinawaan ang mga pangaral ng ating mga magulang sapagkat ito ay para na rin sa ating ikabubuti.” Alin ang wastong eptimolohiya ng salitang may salungguhit ?
pang+hi+nawaan
panghi+nawaan
panghinawaan
magsawa
30s - Q4
4. Pinasinayaan ng mga Marikenyo ang muling pagbubukas ng tiyangge sa tabing ilog matapos ibaba sa alert level 3 ang Metro Manila. Alin ang wastong eptimolohiya ng salitang may salungguhit ?
pasinaya
pina+sina+yaan
pinasi+nayaan
pinasinayaan
30s - Q5
5. “Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
Sa bait muni't sa hatol ay salat;
Masaklap na bunga ng maling paglingap,
Habag ng magulang sa irog ng anak”
Ano ang sukat ng saknong na iyong binasa?
lalabindalawahing pantig
wawaluhing pantig
lalabingwaluhing pantig
walang tiyak na sukat
30sF10PB-IIIc-82 - Q6
6. Ano ang talinghaga na mayroon sa saknong na nasa tanong 5?
Hindi naipaliliwanag ng magulang ang tunay na estado ng kanilang pamumuhay.
Nasa magulang ang sisi sa kung sino ang kaniyang anak sa paglaki.
Hindi natututo ang bata kung siya ay hindi papaluin.
Ang tamang pagdidisiplina ng magulang sa anak ay mahalaga para sa kaniyang pag-unlad.
30s - Q7
7. ‘Di mahulugang karayom, laman ng isip ko.
Litong-lito, ako baga’y natutuliro.
‘Di ko malaman kung sa’n ba liliko.
Basta alam ko, nariyan ka sa tabi ko.
Alin sa sumusunod na taludtod sa binasang saknong ang may matalinghagang paglalarawan sa taong dumaraan sa maraming suliranin?
ikatlong taludtod
pangalawang taludtod
unang taludtod
ikaapat na taludtod
30sF10PB-IIIc-82 - Q8
8. Ginto at pilak sa bibig nakatarak
Asal buwaya imong tinatahak
Habol-habol, salakot at itak
Sirit ng pula, bumulwakbulwak
Alin sa sumusunod ang pinakamalapit na kahulugan at paglalarawan ng mga salitang ginamit sa tula?
Ito ay nagsasaad ng kapalaran ng isang aba sa komunidad na kinabibilangan.
Ito ay naglalarawan sa pasakit na tinatamasa ng mga magsasaka.
Ito ay nagpapakita na daig ng malakas ang mga mahihina.
Ito ay naglalarawan sa buhay ng isang magsasaka at ng Panginoong Maylupa.
30sF10PB-IIIc-82 - Q9
9. Kapag nahirati ang isang bata sa puro luho ay mapapansin mong mamimihasa siyang huwag nang magsikap sa buhay sapagkat hindi siya natutong magbanat ng kaniyang buto. Ano ang dalawang salita na magkaugnay sa pangungusap?
magsikap-mapapansin
nahirati-mamimihasa
nahirati-magbanat
magsikap-natutong
30s - Q10
10. Kailangang lagi tayong magmasid sa ating paligid dahil hind isa lahat ng pagkakataon ay lagi tayong handa kung kaya’t mainam pa ring magbantay sa galaw ng kaaway na sa di inaasahang panahon ay handing sumalakay. Ano ang dalawang salita na magkaugnay sa pangungusap?
magmasid-magbantay
pagkakataon-panahon
kaaway-sumalakay
handa-sumalakay
30s - Q11
Sa mga Kuko ng Liwanag
Buod:
Si Juio ay isang pobreng mangingisda na may kasintahang nangngangalang Ligaya.
Isang araw ay umalis si Ligaya kasama si Gng Cruz at pinangakuang makapag-aaral at makapaghahanpubugay sa Maynila.
Hindi nakatiis si Julio kaya’t sumunod siya kay Ligaya. Napakalawak ng Maynila at hindi niya agad natagpuan si Ligaya. Naging biktima siya ng pang-aabuso at pagmamaltrato ng mga mapanlamang na tao sa lungsod. Nagtrabo siya bilang isang mag-aanluwage at humantong sa pagbebenta ng sariling katawan.
Dahil sa katagalan ay nawalan na ng pag-asa na matagpuan pa niya ang kasintahan. Ngunit nagbago ang lahat nang muli niyang makita si Ligaya at nalaman niyang ang kasintahan ay naging biktima rin ng prostitusyon.
Nais takasan ng dalawa ang kanilang kapalaran sa lungsod ngunit batid ni Ligaya na kayang-kaya siyang patayin ng kaniyang kinakasama saan man siya magpunta. Dumaan ang gabi at sa paggising ni Julio ay wala ng malay si Ligaya.
Sinubukang ipaghiganti ni Julio ang kasintahan sa kinakasama nitong lalaki subalit nasaksihan ito ng mga tao. Pinagmalupitan siya ng mga mamamayan hanggang sa malagutan ng hininga.
11. Lumutang sa akda ang teoryang ____.
Realismo
Markismo
Humanismo
Naturalismo
30s - Q12
12. “Nais takasan ng dalawa ang kanilang kapalaran sa lungsod ngunit batid ni Ligaya na kayang-kaya siyang patayin ng kaniyang kinakasama saan man siya magpunta. Dumaan ang gabi at sa paggising ni Julio ay wala ng malay si Ligaya.” Ang teoryang pampantikan sa sitwasyon ay ____.
Humanismo
Markismo
Eksistensyalismo
Realismo
30s - Q13
13. “Nagtrabo siya bilang isang mag-aanluwage at humantong sa pagbebenta ng sariling katawan.” Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
inhinyero
tubero
karpintero
sipulturero
30s - Q14
14. Ang salitang prostitusyon sa binasang nobela ay nangangahulugang _____.
pag-aalay ng buhay
pakikipagsapalaran
pagbibigay-aliw sa iba
pagbebenta ng sariling katawan
30s - Q15
15. Alin sa mga sumusunod ang pangkat ng mga salita/parirala ang mabisang gamitin sa pagsusuring-basa?
angkop, mabisa, may kahinaan, sumasalamin, may kawilihan, teorya
walang kupas, wagas, kagila-gilalas, kahanga-hanga, lalo, teorya
samakatuwid, marapat, kasi, baga, sino, ano, kalian, paano, bakit, teorya
kasi, samakatuwid, sinabi ni, ayon kay, batay kay, alisunod sa, teorya
30s