
Pre-Test in EsP 6
Quiz by Ann Lorraine Balbuena
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
1. Kaarawan ng iyong kaibigan na si Amy sa Sabado. Inaasahan ka na dumalo dahil ikaw ay matalik niyang kaibigan. Nagdadalawang -isip ka dahil wala kang madadalang regalo. Anong gagawin mo?
Hindi na lang ako pupunta kasi wala akong regalo.
Pupunta kahit walang regalo dahil may isang salita ako.
Manghihingi ng pera sa nanay kahit hirap pagkasyahin ang pera niya
Magsasabi na lang ako na nakalimutan ko.
30s - Q2
2. May proyekto kayong gagawin ng mga kaklase mo, ikaw ang pinili na lider sa grupo dahil ikaw ay mahusay pero alam mo na laging kulang ang baon mo para mag- ambag sa inyong proyekto. Ano ang gagawin mo?
Tatanggapin ang pagiging lider pero hindi bukal sa kalooban.
Tatanggihan ang pagiging lider.
Ibibigay na lang sa mayaman na kaklase.
Tutuparin ang pangako dahil isa ka sa magaling sa klase at alam ng guro na kahit simple ka lang ay kaya mo maging lider.
30s - Q3
3. Sa ganitong pagkakataon ay magkasabay na pinahahalagahan ang bagay na kinahiligan gawin.
Presensiya
Paggawa ng bagay na magkasama
Pag unawa sa isip at nilalaman ng damdamin ng Iba (Empathy)
Pagpapatawad at pagmamahal
30s - Q4
4. Madaling unawain ang isang tao kung ilalagay mo ang sarili mo sa kanya.
Presensiya
Pag unawa sa isip at nilalaman ng damdamin ng Iba (Empathy)
Paggawa ng bagay na magkasama
Pagpapatawad at pagmamahal
30s - Q5
5. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga mo sa iyong kaibigan na kahit ito ay may katangian na minsan di kayo nagkakaunawaan?
Kailangan may pagpapatawad, pagmamahal at pag tanggap kung anong ugali ng isa’t-isa.
Walang kang paki-alam dahil ugali naman niya iyon.
Hahanap ka na lang ng ibang kaibigan kahit matagal at malalim na ang inyong pinagsamahan.
Kailangan mainis at ipakita na hindi mo nagustuhan ang pinakitang ng ugali niya sa iyo.
30s - Q6
6. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagiging matapat sa kaibigan, maliban sa isa. Alin ito?
Ipagkalat ang nalaman na sekreto tungkol sa kaniyang pagkatao.
Unawain ang kamalian ng iyong kaibigan.
Damayan siya sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya.
Bigyan ng oras at panahon na pakinggan ang hinaing ng kaibigan
30s - Q7
7.Ang mga sumusunod ay hindi nagpapakita ng pagiging matapat na kaibigan, maliban sa isa. Alin ito?
Kaibigan mo lang siya kung may kailangan ka.
Patawarin siya kapag nakagawa ng pagkakamali sa iyo.
Pakialaman ang pribadong buhay ng iyong kaibigan.
Pintasan at siraan ang iyong kaibigan sa ibang tao.
30s - Q8
8. Paano mo maipapakita ang paggalang sa suhestiyon ng ibang tao?
Pakikinggan ang sinasabi ngunit susundin pa rin ang sariling kagustuhan.
Hihingi ng payo sa kaibigan.
Makikinig sa kanilang sinasabi.
Tatahimik at hindi na lamang kikibo.
30s - Q9
9. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng isang pasiya?
Ikabubuti ng sarili
Ikabubuti ng nakararami
Ikabubuti ng kaibigan
Ikabubuti ng pamilya
30s - Q10
10. Sa inyong pangkatang gawain, lumapit ang iyong kamag-aral at hiningi ang iyong ideya o opinyon tungkol sa kanyang ginawa, ano ang iyong gagawin?
Basahin ang kanyang gawa at pagalitan kung nagkamali.
Basahin ang kanyang gawa at punitin.
Basahin ang kanyang gawa at pagtawanan ito.
Basahin ang kanyang gawa at magbigay ng mungkahi.
30s - Q11
11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtupad ng pangako?
Kahit medyo umuulan ay sinikap ni Daniel na makipagkita sa kausap na kaibigan sa eksaktong oras ng usapan.
Hindi dumating si Mario sa tinanggap na paanyaya
Nagsasabi si Liza na hindi siya makakarating sa usapan
Nahuli si Carla sa oras ng usapan.
30s - Q12
12. Ano ang pinagtitibay ng “Palabra de honor?"
Pagbabago ng pasya
Pagmamalaki sa magagawa
Pagtupad sa pangako
Pagsunod sa utos
30s - Q13
13. Paano tinutupad ang isang pangako?
Walang interes at pagpapakasakit
May pagpapahalaga at pagsunod
May hinihintay na kapalit na kapakinabangan.
May pagkukulang at pag-aalinlangan
30s - Q14
14. Sino ang makikinabang kapag ikaw ay marunong tumupad sa isang usapan?
sarili mo lang
ang iyong kapwa
walang makikinabang
ikaw at ang iyong kapwa
30s - Q15
15. Ano ang ibig sabihin ng “sa bawat kilos at salita ay may pananagutan?”
May isang salita sa pangako at responsibilidad na dapat ipakita at gawin.
May pagmamahal sa kapwa.
May kakayahan na gawin ang tama at mali.
May kabutihan na dapat ipakita.
30s