placeholder image to represent content

PRETEST SA FILIPINO (IKALAWANG MARKAHAN) 2021-2022

Quiz by Maria Pilar Malavega

Grade 6
Filipino
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1

    1.  Ika-5 ng Setyembre 2021. Isinama ako ng nanay ko sa SM Marikina para bumili ng tablet para magamit sa aking pag-aaral. Sobrang saya ko dahil noong isang taon ay nakikihiram lang ako sa kuya ko.

    Ano ang bibilhin nila sa SM Marikina?

    b.     Ibibilisiya ng nanay ng laptop

    a.     Bibilisila ng cellphone                  

    c. Sila ay bibili ng tablet

     d. Bibilisila ng iphone

    60s
    F6RC-IIdf-3.1.1
  • Q2

    2.  Marahil narinig niyo na rin ang isa sa mga anekdota na may pamagat, Ang Tsinelas ni Jose Rizal. Nahulog sa bangka ang isang tsinelas niya, pero hindi na niya nahabol kaya inihagis na rin ang isa pa at nagdasal na sana mahabol pa ang kapares na tsinelas. Ano ang dahilan kung bakit hinayaan ni Jose Rizal na agusin nalang sa dagat ang magkapares niyang tsinelas?

    d. Upang maawa ang mga tao na makita siyang nakayapak 

    c. Upang hangaan siya ng mga kasama niya sa bangka 

    a. Upang magamit pa ng sinumang makatagpo o makapulot 

    b. Upang bibilhan nalang ulit siya ng bagong tsinelas 

    60s
  • Q3

    3. Sabay kaming naglalakad pauwi ng aking kaibigan nong biglang may tumatakbo at nagsisigaw ng “ibalik mo ang bag ko, magnanakaw, magnanakaw”. Naglabasan ang mga tao sa kabahayan pero hindi na nahabol ang magnanakaw dahil dali-daling humarurot ang motorsiklong minaneho marahil ng kanyang kasabwat. Ano ang nasaksihan mo sa iyong pag-uwi?

       c.  Magnanakaw na hinahabol

    b. Mag-asawang nagsisigawan     

      d. Mga tambay sa kalsada

    a. Nag-aaway na magkakapitbahay    

    60s
    F6PS-IIh-3.1
  • Q4

    4. Nakita kong sobra sa binayaran ni Elgie ang kinuhang tsokolate sa canteen ng paaralan. Nong sinabi ng tindera na kumuha ng lima ay mabilis na dumakot at hindi na binilang sabay ibinulsa kaagad. Inaya akong umalis at kainin namin sa labas ng kantin. Kakain ka pa ba o hindi nalang? Bakit? 

    a. Opo, dahil hindi naman ako ang nagsamantala 

    c. Hindi po, kasi alam kong galing sa pagsasamantala 

    d. Hindi po, kasi baka sumakit ang ngipin o tiyan ko 

    b.  Opo, kasi wala naman akong pambili 

    60s
    F6PS-IIh-3.1
  • Q5

    5. Nakikinig ka ba ng mga Kuwentong Pinoy? Ano ang wakas ng kuwento ni Juan Tamad at ang bayabas? 

    a. Inubos pitasin ang bunga ng bayabas 

    d. abot ng gabi sa paghihintay na mahulog ang bayabas

    c. Nainis dahil hindi nakuha ang bayabas 

    b. Nabusog ng bayabas 

    60s
  • Q6

    6. Ano naman ang naging wakas ng banyagang kuwento na Cinderella? 

    a. Nag-away-away sila ng kanyang mga step sisters 

    d. Pinakasalan ng prinsipe at tumira sa Palasyo 

    b. Inapi siya ng kanyang madrasta 

    c. Niligawan siya ng prinsipe 

    60s
  • Q7

    7. Ang dati o alam ng batang wakas ng kuwentong  Matsing  at Pagong ay ang paghagis ni matsing kay pagong sa ilog, sa pag-aakalang ikamamatay ni pagong ito. Sa episode kung saan nagkita uli sila matapos ang pangyayaring iyon ay sa taniman ng sili at sa isang handaang may malaking kawa ng kumukulong tubig. Ano sa tingin mo ang wakas ng episode na ito? 

    c. Ikinuskos ang sili sa kanyang mga mata at nabulag 

    b. Humigop ng mainit na tubig na hinaluan ng sili 

    a. Lumundag si matsing sa kawang kumukulong tubig  dahil 

    naniwalang pampaganda ng kutis ng nanay ni pagong 

    d. Nalinlang muli ni matsing si pagong 

    60s
  • Q8

    8. Ang malunggay ay kilala lamang na masustansiyang gulay.  Maaaring ulamin ang dahon at bunga nito. Matapos mabasa ang isang akda tungkol sa kahalagahan at gamit ng malunggay ay hindi lang pala pang-ulam kundi napakarami pa, kung kaya’t tinatawag na: 

    a. Pagkain ng tagabaryo 

    d. Ulam na gamot pa 

    b.  Food and herbal medicine/Halamang gulay  

    c. Miracle Tree/Mapaghimalang puno 

    60s
  • Q9

    9. Ang nanay mo ay madalas dumaing sa sakit ang ulo,  nahihilo at  madaling mapagod.  Nagpatingin siya sa doktor at siya’y niresetahan ng gamot. Binili niya lahat ang mga ito  at kailangan ding  sundin  ang payo ng doktor. Pagkatapos ng tatlong araw ay nakita mong bumubuti na ang kanyang kalagayan. Ano kaya ang susunod na mangyayari? 

    c. Babalik pa ulit sa doktor 

    d. Hindi na babalik at gagastos pa sa doktor. 

    a. Gagaling na at manunumbalik ang sigla 

    b. Itigil na ang pag-inom ng gamot sa pang-apat na araw 

    60s
  • Q10

    10. Si Charlotte ay madalas dumating sa klase  20 minutong  huli. Tahimik at hindi nakikisali sa talakayan. Minsan nakikita na lamang na nakayuko at tulog. Kapag pinaiiwan at gustong kausapin ng guro ay tumatakas pag-uwi. Ano nalang kaya ang mangyayari? 

    a. Hindi papasok kinabukasan 

    b. Ipatatawag ng guro ang magulang 

    d. Dadalhin ng guro sa Guidance Office  

    c.  Hindi siya makapagtapos 

    60s
  • Q11

    11. Ang puso ng dalaga ay inihahalintulad sa isang bagyo na pabago-bago ang direksiyon. Anong kayarian ng pang uri ang  salitang  may  salungguhit? 

     c. payak 

    d. tambalan

    b. maylapi

    a. Inuulit  

    60s
  • Q12

    12. Nagsermon si tatay dahil magbubukang-liwayway na nang matulog ang nagkasiyahang magkakaibigan. Anong kayarian ng pang-uri ang salitang may salungguhit? 

    b. maylapi

     c. payak 

    a. Inuulit  

    d. tambalan

    60s
  • Q13

    13. Magaling gumawa ng kuwento si Maritess maski walang katotohanan at basehan. (Paglalarawan ng tauhan) Siya ay _________ 

    c. bakante

    b. tago

    a. tsismosa

    d. hayag

    60s
  • Q14

    14. Umaga pa lang, sa harapan ng bahay  na walang  nakatira  mahilig magtambay sina Maritess at kanyang mga kachikahan.  Titigil lang sila kapag oras na ng lutuan ng pananghalian at babalik uli pagkakain. Ang tagpuan ay masasabing________ 

    c. bakante

    b. tago

    d. hayag

    a. ligtas

    60s
  • Q15

    15. Kung inyong natatandaan ang kwentong “Mangarap Ka, Abutin Mo” sa modyul 3 ng nakaraang markahan, ano ang paksa ng akda? 

    b. Anak ng magsasaka ngunit nagpursiging makatapos ng pag-aaral 

    c. Nanirahan sa kamag-anak para makatapos ng pag-aaral 

    a. Mag-asawang magsasaka na marami ang anak 

    d. Kahirapan hindi hadlang sa pagtatagumpay 

    60s

Teachers give this quiz to your class