
Q1 Filipino Practice Quiz
Quiz by Doodlethorn
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ito ay mula sa matandang panahon kung saan napapsalindila kung kaya't maraming bersiyon nito. Karaniwang mula sa hindi matukoy na manunulat na maaring nagtatala ng kuwento sa kanilang sariling bersiyon.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng katangian ng mitolohiya?
Alin sa sumusunod ang pinakanagpapaliwanag sa kaisipan ng binasa?

“Nakahuli kami ng maraming dalagambukid.” Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng may salungguhit batay sa kayarian nito?Â
Ipagpalagay na napanood mo ang cartoon version ng mitolohiyang “Cupid at Psyche,” alin sa sumusunod ang masasabi mong mensahe o layunin ng nasabing mitolohiya?
Tinalakay ninyo ang paksang mitolohiya sa klase. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na opinyon kaugnay sa paksa?
Alin sa sumusunod ang mga tamang pokus ng pandiwa?
“_________ ni NY ang dust pan sa mga nagkalat na dumi ng aso. Pagkaraan ay __________ naman ni Rie ang walis sa kapatid para lagyan ng buhangin ang pinagdakutan ng dumi. Pagkatapos nito ay _________ na sina Rie at NY.” Punan ng wastong mga salita ayon sa angkop na pokus ng pandiwa ang bawat patlang.
Ano-ano ang ipinapakita ng isang parabula?
Alin sa sumusunod na pagsusuri ang tumutukoy sa kakanyahan at elemento ng binasang bahagi ng mitolohiya?

“Ay! Naalala ko pala na wala akong paa. Ay! Wag ka, crush ng bayan  yan. Ay! Naku! Maniwala ka sa akin at wala sa pagpipiliian yung sagot.” Alin sa sumusunod ang pinakaangko nap una sa paggamit ng ekspresyon sa pahayag kaungay sa paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin?
“________ araw, sa bahay ampunan sa QC, si Pier ay kinakabog ang dibdib. Sa araw na ito kasi darating ang kukupkop sa kaniya. Dalawang oras ang nakalipas sa _______ dumating din ang kaniyang pinakahihintay. _______ lamang siya nakadama ng kakaibang damdamin. Unang tingin pa lamang niya sa mga kukupkop sa kaniya ay magaan na agad ang kaniyang pakiramdam. ______ na tagpo ay makikitang yakap-yakap na siya ng mag-asawa.” Punan ng wastong mga pang-ugnay sa pagsasalaysay ang bawat patlang.
Alin sa sumusunod ang pinakanagpapaliwanag sa pangunahing paksa at pantulong na mga ideya?

“Tunay ang kaniyang pag-aalala sa aming mga kalagayan. Kitang-kita ko kung gaano niya minalasakit ang mga mahihirap. Isinakripisyo niya ang sariling kaligayahan para sa kaligayan ng iba. Ganyan ang aking papa.” Alin sa sumusunod ang pangkat ng mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan sa pahayag?
Alin sa sumusunod ang tumatalakay sa isa sa mga isyung pandaigdig?
“______ sa DepED, sa buwan ng Nobyembre ay magsisimula na ang full face to face na pag-aaral ng mga estudyante. ___________ akin, magandang pagkilos ito pero dapat handa ang lahat. _______ ko kasi, malabong matupad ang isang metrong distansiya sa loob ng mga paaralan dahil sa medyo may kaliitang sukat ng mga kuwarto.” Punan ng wastong mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw ang bawat patlang.
“Ipinatawag ni Indarapatra ang kaniyang kapatid na si Sulayman, isang kawal na kapwa niya maayos ang tindig, walang kinatatakutan at mahiwaga. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, “Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo.” Alin sa sumusunod ang pinakawastong paghihinuha sa katangian ni Indarapatra?
“Nang magbinata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain siPanga-iwan, ang kaaway ng kaniyang ama, sa nayon ng Daligdigan.Subalit ang sumagot sa kaniyang hamon ay hindi si Pangaiwan. Anghumarap sa kaniya ay ang mabangis na anak nito, si Dinoyagan nabihasa rin sa bakbakan tulad ni Aliguyon.” Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na interpretasyon sa suliraning kinakaharap ng tauhan?
Tunay na sumasalamin sa isang bansa ang kanilang mga epiko dahil sa mga akdang ito makikita ang kanilang kultura, paniniwala, pakikibaka, tradisyon, panaginip, pangarap, pamumuhay, at iba pa.
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na paliwanag kaugnay sa elegoryang ginamit sa akda/talata?

Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na pagpapaliwanag tungkol sa pagkakatulad ng mga epiko sa daigdig at kaugnayan nito sa buhay ng mga Pilipino?
Alin sa sumusunod ang maituturing na isang pagsusuri/suring-basa sa nobelang “Titser”?
“______ araw, tanghali na nang magising si Yin. Mahuhuli na siya sa kaniyang klase. Nagmadali siyang kumilos upang makarating sa paaralan. _____ makapasok siya sa klase, natuwa siya dahil umabot siya sa unang asignatura. Saglit lamang ang kaniyang pagkatuwa. Napansin niyang natahimik ang buong klase. Nakatingin silang lahat sa kaniya. Maling klase pala ang kaniyang pinasukan. Agad na nagsori sa buong klase at mabilis na umalis ng silid. ______, kalahating minuto, nakarating siya sa kaniyang klase.” Punan ang bawat patlang ng wastong mga salita na hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
“_______ unang panahon, may isang babae ang naninirahan sa paanan ng bundok Tabor. _____ dumami ang mga taong umaakyat sa bundok, napilitan itong lumipat ng ibang lugar. _______, naabot pa rin ng mga tao ang kaniyang tinitirahan kaya muli itong naghanap ng mapagtatayuan ng kaniyang bahay. Lumipat siya sa ikapitong bundok ng Patpat. ________, limang taon na ang nakalipas, hindi na naabot pa ng maraming tao ang kaniyang kinaroroonan.” Punan ang bawat patlang ng wastong mga salita na hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
“Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibatsi Aliguyon at Dinoyagan. Umabot na ng ilang taon ay hindi pa rintumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko sadalawa. “ Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng mga pangyayaring nangyari sa binasa na may kaugnayan sa kasalukuyang pangyayari sa daigdig?
“Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya.” (Epiko ni Gilgamesh) Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng mga pangyayaring nangyari sa binasa na may kaugnayan sa kasalukuyang pangyayari sa daigdig?
“Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng matinding panibugho sa nasasaksihan. Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika.” Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangyayaring nagaganap sa tunay na buhay kaugnay sa binasang talata?
“Napakainit ng panahon, makapaghaluhalo nga.” Alin ang pinakawastong kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa kayarian ng salita at konteksto ng pangungusap?
“Salubungin nating ang bagong kadawyan sa edukasyon. Maiging maging flexible tayo.” Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng mga salitang may salungguhit?
O, pahinga muna. Musta kayo ngayon?
“Bukas-palad ang mag-asawang Cross at Reid sa sinomang manghihingi ng tulong sa ______. Hanggat maaari ay di _____ tumatanggi sa bawat lumalapit sa kanila subalit kailangan din ______ mag-ingat sa mga taong mapagsamantala.” Punan ng wastong mga panghalip ang bawat patlang.
“Si Eunha ay isang bihasang artista. Hindi ______ kakikitaan ng pagiging over or under acting sa kaniyang mga pelikula. Kaya naman ang ______ mga tagahanga ay ipinagmamalaki ______. Handa _____ ipagtanggol _____ sa anomang uri na pamba-bush ng mga kritiko.” Punan ng wastong mga panghalip ang bawat patlang.
Nakababatang kapatid: Hindi ko ginusto ang piging, pero dahil ibinigay ito ni Ama ay nagpapasalamat ako. Ang nais ko lang ay tanggapin ako kahit alila lamang. Alam ko na kung paano maghirap. Sunod-sunod na kamalasan ang dumapo sa akin. Sadyang napakahirap maging hampaslupa na kahit ang mga bungang-kahoy na ipinakakain sa mga baboy ay hinihingi ko na ngunit walang magbigay sa akin.Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na pagbibigay ng katangian sa nagsasalita batay sa kaniyang sinabi?
“Zone: Ang piso ay mahina dahil malakas ang dolyar. Ang piso ay hindi mahina kung ikukumpara sa iba pang uri ng currency o pera sa mundo. Mahina lamang ang piso kung ikukumpara sa dolyar sa panahon ngayon.” Alin sa sumusunod ang katangian ng nagsasalita?
Isang uri ng pangungusap na nagpapahayag ng di-tuwirang pagpapahiwatig ng damdamin.
Ito ay isang pilosopikong paninindigan na nagbibigay-diin sa indibidwal at panlipunang potensiyal at ahensiya ng mga tao.
Tinatawag itong pagkahilig na ipakita ang mga bagay ayon sa tunay na anyo.
“Nalulula ako sa dami ng tao sa Divisoria. Sa sobrang pagod ay naramdaman kong nahihilo ako. Alam kong naliliyo ako dahil umiikot na ang paningin ko.” Alin sa sumusunod ang mga salitang magkakaugnay batay sa tindi ng pagpapahayag o pagkiklino?
“Nagsimula sa yamot. Nauwi sa galit hanggang sa naging poot na ang nararamdaman ko sa kaniya. Wala siyang konsiderasyon sa tao.” Alin sa sumusunod ang ang pinakawastong pagsusunod-sunod ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan ng pahayag o pagkiklino?
Alin sa sumusunod ang pinakawastong paghahambing sa mga pangyayari sa isang dula at isang nobela?
“Bago matulog sa gabi, naging ugali na ni Jer ang magbasa ng anomang babasahin. Paborito niya ang mga librong may larawan. Namana niya ito sa ama na mahiig magbasa. Samantala, pagkukuwento naman ang hilig ni Rei. Namana niya ito sa isang ina na isang story teller.” Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na paglalarawan sa kultura ng mga tauhan sa binasa?
"Narinig mo ang isyu tungkol sa pagpayag ng pangulo ng bansa na gawing optional ang paggamit ng facemask sa open spaces."
Alin sa sumusunod ang nagbabahagi ng opinyon o pananaw batay sa napakinggan?
"Hirap na hirap na ako sa pagsasagawa ng pananaliksik. Paano ba ito mapadadali?” Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na pagbabahagi ng sariling opinyon o pananaw sa pahayag?
Alin sa sumusunod ang nararapat gawin upang makabuo ng isang suring-basa ang isang mag-aaral na tulad mo sa ikasampung grado?
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na mga konsepto kaugnay sa salitang “Critique”?
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na mga konsepto kaugnay sa salitang simposyum?
Alin dito ang hindi ginagamit sa pagsusnod-sunod ng pangyayari?
Ito ang tawag sa ipinampapalit o ipinanghahalili sa pangalan ng tao.
Si Cy ang bunso sa aming tahanan. Siya ang nagbibigay sa amin ng inspirasyon.
Ano ang ginagamit dito?
Kapag mas nauuna ang panghalip na tumutukoy sa paksa kaysa sa mismong paksa, ano ang tawag dito?