
Q1 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO SY 2022-2023
Quiz by MICHELLE CARLOS
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Muling basahin ang pangungusap blg. 1 at tukuyin kung alin sa mga sumusunod na maling konseptong pangwika ang maiuugnay ukol dito?
Ang wikang Ingles ay superyor at mas makapangyarihan na wika kaysa sa iba.
Ang wika ay midyum na ginagamit sa maayos na pagpapadaloy ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Ang wikang Filipino ay wikang panlansangan at mahirap maihanay sa mga intelektuwalisadong wika tulad ng Ingles.
Ang wika ay dapat puro, hindi ito dapat nanghihiram sa iba pang wika.
30s - Q2
Sa binasang bahagi ng talumpati, ano ang pinahihiwatig ng pangungusap bilang 4?
Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugan at masasabing malaya ito.
Ang sariling wika ay mahusay na midyum na ginagamit sa maayos na pagpapadaloy ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Ang wika at kultura ay magkatambal at magkaugnay.
Ang wika at kultura ay magkatambal at magkaugnay.
30s - Q3
[1]Nagbabago ang wika sa pamamagitan ng pagdaragdag ng bokubularyo dahil sa malikhaing pag-iisip ng tao. [2]Maaaring mamatay ang wikang sarado sa pagbabago at panghihiram sa iba pang wika.
Tama ang dalawang pangungusap.
Mali ang dalawang pangungusap.
Tama ang unang pangungusap, mali ang ikalawa.
Mali ang unang pangungusap, tama ang ikalawa.
30s - Q4
Ang wika ay patuloy na nagbabago, samakatuwid ang wika ay ____________.
Nakabatay sa kultura
Dinamiko
Ginagamit sa komunikasyon
Sinasalitang tunog
30s - Q5
Sa Pilipinas, marami tayong panumbas sa salitang Ingles na rice. Anong katangian ng wika ang ipinahihiwatig nito?
Nakabatay sa kultura
Dinamiko
Ginagamit sa komunikasyon
Sinasalitang tunog
30s - Q6
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng wika?
Ito ay arbitraryo.
Ito ay masistemang balangkas.
May superyor na wika
May pulitika ang wika
30s - Q7
Alin sa mga sumusunod na konseptong pangwika ang itinuturing na daan ng pagkakaisa at simbolo ng kaunlaran ng isang bansa?
Wikang Katutubo
Wikang Panturo
Wikang Opisyal
Wikang Pambansa
30s - Q8
Ito ang kauna-unahang wikang natutuhan o ginamit ng isang bata mulang pagkabata at nagsilbing gabay upang malaman ang mga bagay-bagay sa kanyang paligid.
Unang wika
Wikang Pambansa
Ikalawang wika
Filipino
30s - Q9
Ang __________ ang midyum o daluyan na ginagamit sa pagtuturo at pagkatuto sa mga paaralan.
Wikang Pambansa
Wikang Opisyal
Wikang Filipino
Wikang Panturo
30s - Q10
Tumutukoy ang konseptong ito sa kakayahan ng isang tao sa paggamit ng maraming wika sa iba’t ibang konteksto maging sa pag-aaral.
Monolingguwalismo
Bilingguwalismo
Multilingguwalismo
Polyglot
30s - Q11
Ayon kay ____________, “ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga simbulo at sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.”
Henry Gleason (1988)
Bienvenido Lumbera (2007)
Webster (1974)
UP Diksyonaryong Filipino (2001)
30s - Q12
Ito ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaaan; ang wikang ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kanyang sakop.
Wikang Panturo
Wikang Pambansa
Wikang Opisyal
Wikang Dayuhan
30s - Q13
Alin sa mga sumusunod na pangyayari, isyu o usaping kaugnay ng konseptong pangwika ang HINDI nakaapekto sa usapin ng wikang panturo?
Pagpapatupad ng E.O. 210 ng dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo
Pagiging opsyonal ng asignaturang Filipino sa G.E.C. ng mga kolehiyo
Paggamit ni dating Pang. Noynoy Aquino ng Filipino sa kanyang SONA
Patuloy na pagbaba ng markang nakukuha sa mga internasyonal na pagsusulit
30s - Q14
Ang wika ay may iba’t ibang baryasyon dahil nagkakaiba-iba ito batay sa taong gumagamit at sa lipunang kaniyang kinabibilangan. Kung kaya’t nakabubuo ng iba’t ibang wikain sa impluwensya ng dimensyong heograpikal at sosyal.
Tama ang dalawang pangungusap.
Mali ang dalawang pangungusap.
Tama ang unang pangungusap, mali ang ikalawa.
Mali ang unang pangungusap, tama ang ikalawa.
30s - Q15
Ang tawag sa wikang kadalasang ginagamitan ng mga tayutay upang maging iba sa karaniwan ay ______________.
Pambansa
Lalawiganin
Balbal o Kolokyal
Pampanitikan
30s