
Sa Maayos na Kaisipan, May Tamang Pagninilay
Quiz by Eirleen Dela Cruz
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Nabasa ni Lola Feliza ang isang anunsiyo na magkakaroon ng bakuna laban sa tigdas para sa mga bata na mayroong edad lima hanggang sampu sa kabilang barangay. Naisip niya ang kaniyang apo na nasa edad siyam na, dahil dito ay dinala niya agad ang bata sa nasabing barangay. Tama kaya ang naging desisyon ni Lola Feliza napabakunahan ang kanyang apo?
Nakapanood ng patalastas sa telebisyon si Nenita tungkol sa isang produkto ng sabon na nakapagpapaputi ng balat. Dahil sa kagustuhan nyang pumuti ay nagsabi siya sa kaniyang nanay tungkol dito. Ano kaya ang sasabihin ng kaniyang nanay kay Nenita?
Isang umaga ay nakikinig ng balita si Mang Nicanor. Napakinggan niyang may paparating na malakas na lindol. Dahil sa kanyang sobrang takot sa napakinggang balita ay nagtatakbo siya sa labas upang sabihin sa kanyang mga kapitbahay. Kung ikaw si Mang Nicanor ay gagawin mo din ba ang kanyang ginawa ng marinig ang ganoong balita?
Ang magkaibigang Elijah at Noah ay naghahanap ng sagot sa Internet para sa kanilang takdang-aralin. Sa kanilang paghahanap ay may nabasang balita si Elijah at agad naman niya itong sinabi sa kaibigang si Noah. Paniniwalaan kaya agad ni Noah ang balitang sinabi sa kanya ng kaibigang si Elijah?
1. Nanonood ng isang pelikula si Kim sa telebisyon, sa kalagitnaan ng palabas ay napansin niyang laging nag-aaway ang dalawang babaeng tauhan. Anong tamang pagpapasiyaang dapat na gawin ni Kim?
Nakita mo na ang programa sa telebisyon na maaaring makadagdag ng iyong kaalaman sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Ngunit pinalilipat ito ng iyong ate sa ibang istasyon. Ano ang iyong gagawin?
Nakita mong nanonood ang iyong nakababatang kapatid ng palabas na di akma sa mg batang katulad ninyo? Ano ang gagawin mo tungkol dito?
Binigyan kayo ng inyong guro ng takdang aralin na manood ng balita at ito ay inyong iuulat sa klase kinabukasan. Anong mabuting pagpapasiya ang maaari mong gawin ukol dito?
Mahilig kang manood ng mga pelikulang may barilan. Ngunit nakita mong masyado nang marahas ang ilang mga eksena. Ano ang gagawin mo?
Mayroon kang napanood sa telebisyon tungkol sa isang tao na nakapagpapagaling sa inyong komunidad. Ano ang magiging saloobin mo hinggil dito?