
CLVE 9: Ikatlong Markahan (Ikalawang Pagsusulit)
Quiz by FRANCIS JAKE GONZAGA
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Ano ang sumisimbolo sa tikas ng isang tao sa kaniyang pagtatrabaho nang walang kapaguran hanggat hindi natatapos ang kaniyang gawain sa kaniyang itinakdang panahon?
Sino ang nagsabi na "ang paggawa ay pagmamahal na nakikita"?
Ano ang mahalagang bagay ang kinakailangan isapuso ng bawat tao sa kanilang ginagawa?
Anong pagpapahalaga ang tumutukoy sa natural na kilos ng sipag? Ang taong nagtataglay nito ay hindi maituturing na batugan.
Anong pagpapahalaga ang tumutukoy sa maalab o walang humpay na pagsusumikap o determinasyon?
TAMA o MALI: Ang mga mapagpunyagi ay hindi tumatanggap ng pagkabigo, sa halip ay tinatanggap nila ang hamon.
Sinong partikular na tao, isang management specialist, ang nagsabi na “Ang pagtitiyaga ay hindi nangangahulugang tayo ay uupo na lang sa mahabang panahon at maghihintay na mangyari ang mga bagay-bagay. Sa halip, nangangahulugan ito ng pagpapatuloy ng anumang gawaing pinagplanuhan at dapat matapos sa gitna ng mga pagsubok”?
Ano ang dahilan na ito ng pag-iimpok ang tumutukoy sa kung nasira ang bubong dahilan ng bagyo, pangangailangan ng pambili ng gamot, o biglang pagkawala ng pinagkakakitaan?
Ang mga sumusunod ay mga bagay na maaari mong gawin upang mapamahalaan ang pag-iimpok, maliban sa:
TAMA o MALI: Ang pagtitiyaga ay makikita sa mga taong ginagawa ang personal na kagustuhan na nagbibigay kasiyahan sa kanila.
Anong prinsipyo ang tumutukoy sa kahalagahan ng oras sa lahat ng tao?
Anong unang dahilan kung bakit nasasayang ang maraming oras ng tao?
TAMA o MALI: Kung winawalang-bahala natin ang panahon, hindi natin matatapos ang mga gawaing ating itinakda.
Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagpapaliban sa gawain maliban sa:
Anong quadrant ayon sa Time Management Matrix makikita ang mga gawaing madalian at mahalagang matapos?
Anong quadrant ayon sa Time Management Matrix makikita ang mga gawaing mahalaga ngunit hindi madalian ang paggawa?
Anong quadrant ayon sa Time Management Matrix makikita ang mga gawaing madalian ngunit hindi mahalaga?
Anong quadrant ayon sa Time Management Matrix makikita ang mga gawaing hindi madalian at hindi mahalaga?
Anong pamamaraan ng pamamahala ng oras naipakikita ang pagkakaroon ng mapayapang kalooban at espasyo sa iyong buhay ang iyong lakas at atensyon sa mas mahalagang bagay? Ito ang pinakamabuting paraan sa pagkamit ng iyong minimithi.
Anong pamamaraan ng pamamahala ng oras nagpapakita na dapat kaagad mo itong mapigil bago manakaw ng masamang ugaling ito ang iyong mga oportunidad o masira nito ang iyong career at pride, o ang iyong mga relasyon?