
CLVE 9: Pagsusulit 1 (Unang Markahan)
Quiz by Francis Gonzaga
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Ano ang tumutukoy sa pangkat ng tao na nabubuklod ng iisang pinagmulan, iisang kasaysayan, iisang kultura, at iisang mithiin para sa pagkakamit ng kabutihang panlahat?
Ano ang itinuturing na maliit na lipunan na tumutugon sa pagpapaunlad at nagpapatatag ng ating lipunan?
Bakit natin kinakailangang pahalagahan ang ating lipunan?
Sino ang nagsabi na mahalaga ang pagkakaroon ng tamang lider upang makamit ang kabutihang panlahat?
Ano ang tawag sa ginawang magandang solusyon sa isang matinding suliranin sa politika noong 1986?
Ano ang tawag sa ginawang pagsasantabi ng pansariling kapakinabangan para sa kabutihang panlahat lalo na ng sariling bansa?
Ano ang nagpapaunlad ng pagpapahalaga at etika na mahalagang kaparaanan din upang dalhin ang mga mamamayan tungo sa pagkilos sa kabutihang panlahat?
Ano ang pagpapahalaga ang makikita sa kawikaang, “Sa sama-samang pagsisikap, kabutihang panlahat ay makakamtan"?
Punan ang patlang:Â Ang ____________ ay pagtupad sa isang gawain ng walang humpay at buong-husay upang makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat.
Ano ang isa sa napatunayang epektibong paraang upang magkaroon ng maayos na daloy ng pagbibigay ng serbisyong pampubliko?
Ilang taon ang termino ng serbisyo para sa Pangulo ng bansa?
Para sa mga lokal na pinuno ng bansa, ilan ang termino ang ibinigay sa kanilang paglilingkod sa bayan?
TAMA O MALI: Sa Prinsipyo ng Subsidiarity, kinikilala rin ang magagawa ng maliit na pangkat (Baranggay).
TAMA O MALI:Â Tinutulungan lamang ng higit na nakakaangat o malakas ang isang maliit na pangkat kung talagang hindi na nito kayang tugunan ang pangangailangan ng nasasakupan.
TAMA O MALI: Ang ginagawa ng isang maliit na pangkat ay dapat na ginagawa pa ng higit na malaking pangkat.