Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
5 questions
Show answers
  • Q1

    Dalawang taon nang magkasintahan si Amelia at Jun.May pangako sila sa isa’t isa na hindi magtatalik hangga’t hindi sila kasal. Anong mabuting pagpapahalaga ang isinasabuhay ng magkasintahan?

    Katapatan

    Kalinisang puri

    Mabuting paghusga

    Pagtitiyaga

    45s
  • Q2

    Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng kalayaan?

    Binuksan ni Len ang ‘porno link” na ipinadala sa kanya ng kanyang kaibigan

    Ipinasa ni Bong ang “porno link “sa kanyang kasintahan.

    Binura ni Anna ang natanggap na “porno link” sa messenger.

    Ipinadala ni Aman ang porno link sa kanyang kaibigan na si Bong

    30s
  • Q3

    Matagal nang biyuda si Aling Mina, isang gabi ay pinatulog nito ang kanyang kasintahan sa kanilang bahay kahit na matindi ang pagtanggi ng kanyang anak na si Angela. Madaling araw ng maramdaman ni Angela na may mga kamay na humahawak sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Nagbanta ang lalaki na sasaksakin niya ito kung siya ay sisigaw. Kung ikaw si Angela, ano ang gagawin mo?

    Magsusumbong ako sa aking ina paggising nito.

    . Sasabihin ko sa pulis kinabukasan.

    Tatahimik at iiyak na lamang

    Itutulak ko siya at sisigaw habang patakbong lalabas ng kwarto

    45s
  • Q4

    Nag-text ang kasintahan ni Josie na nais nitong makipagkita sa kanya sa isang motel. Hindi pumayag si Josie kaya nagbanta ang kanyang kasintahan na ia-upload nito sa facebook ang maseselang larawan ni Josie na kuha niya. Kinabukasan, nagtext ang matalik na kaibigan ni Josie na may mga larawan siyang naka-upload sa Facebook. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ni Josie sa nangyari?

    I-report ang nangyari sa awtoridad

    Kausapin ang kasintahan.

    Humingi ng tulong sa mga kaibigan na i-delete ang mga larawan nanaka-upload.

    Burahin o i-delete ang mga larawan sa Facebook

    45s
  • Q5

    “Mahal na mahal ko si Jojo. Hindi ko kayang mabuhay na wala siya. Magtitiis ako kahit na sinasaktan niya ako.” Ito ang mga katagang palaging binibitawan ni Doris kay Cecil kapag nag-uusap sila. Naaawa na si Cecil sa kaibigan. Ano ang tamang gawin ni Cecil upang mabuksan ang isipan ni Doris sa kanyang kalagayan?

    Wala sa nabanggit

    Aalalayan si Doris sa tuwing umiiyak ito

    Palaging ipaalala kay Doris na siya at mahalaga at dapat na bigyan ng paggalang at respeto ng lahat ng tao.

    Kausapin ang kasintahan ni Doris at pagbantaan ito

    45s

Teachers give this quiz to your class