
ESP QUIZ 4th QUARTER
Quiz by Anabelle Pasicolan
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Nilapitan at binigyan ni Danrey ng pagkain ang batang namamalimos
Tinulungan ni Mariel buhatin ang pinamili ng matandang babae hanggang makatawid sa footbridge.
Dinala ni Aliyah sa clinic ang matanda na nahirapan huminga dahil sa sobrang init.
Nagbigay ng donasyon ang Pamilya Javier sa mga nasalanta ng bagyo sa Marikina.
Humingi ng konting pagkain ang pamilya ng nasunugan sa Doña Petra ngunit hindi ito pinansin ng Pamilya Cruz.
Ang ibang relief goods ay tinago ni Joven sa halip na ipamigay sa mga mas nangangailangan
Tumulong sa pamimigay ng ayuda para sa mga naabutan ng lockdown ang magkakaibigang Salve, Princess, at Melissa.
Hinayaan lang ni Annaliza ang batang may kapansanan nang madapa ito.
Gumawa ng sulat sa kinauukulan si Ellen upang matulungan ang mga bata sa kalsada na makapag-aral sa pampublikong paaralan
Ipinagkait ni Jose ang mga sobrang pagkain sa mga kapitbahay na nagugutom
Nalaman ni Maricel na nagkaroon ng mild stroke ang tatay ng kanyang Kaibigan. Agad niyang ipinagdasal ang agarang paggaling nito.
Binalewala ni Melchor ang hinihinging panalangin ng kanyang kaibigan.
Laging kasama sa dasal ni Bernardo ang kanyang mga kababayang frontliners na maging ligtas sa anumang karamdaman ngayong may pandemy
Nanguna si Jose sa pagsasagawa ng virtual prayer meeting para sa mga labis na naapektuhan ng pagbaha sa Lungsod ng Marikina
Ayaw manood ni Ivan ng mga online mass dahil mas gusto niya ang maglaro ng online games.
Pinagtatawanan palagi ni Ellen ang mga kamag-anak niyang ipinagdarasal ang iba kahit di nila ito kakilala
Namamalas sa pang-araw-araw na gawain ni Myra ang pagmamahal sa kanyang kapwa
Pinagalitan ni Lemuel ang kanyang kapatid dahil sa sumama ito sa ibang lugar upang mag-alay ng panalangin sa mga may-sakit.
Nakikiisa ang magkakaibigan sa programa ng simbahan na may layuning tulungan ang mga kababayan nating dumadaan sa mabigat na pagsubok.
Sumasama si Anthony sa kanyang lola na magdasal tuwing hapon sa Adoration Chapel