placeholder image to represent content

Ikalawang Markahan - Modyul 5: Kapakanan ng Iba, Aking Inuuna

Quiz by Rosalinda C. Ege

Grade 5
Edukasyon sa Pagpapakatao
Philippines Curriculum: Grades 1-10

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
5 questions
Show answers
  • Q1
    1. Inanyayahan ka ng iyong kaibigan sa kanyang kaarawan. Nais mong dumalo para maaliw ka sa inihandang programa para sa kanya ngunit nakikita mong marami pang ligpitin sa inyong bahay. Ano ang dapat mong gawin?
    Hihingi ng paumanhin na hindi muna makadadalo dahil tutulong muna sa paglilinis ng bahay.
    Hindi dadalo dahil walang maibibigay na regalo para sa kaibigan.
    Magpapabili ng regalong maibibigay para sa matalik na kaibigan.
    Magbibihis nang maganda at dadalo sa kaarawan ng kaibigan.
    30s
    EsP5P – IId-e – 25
  • Q2
    2. Nalubog sa baha ang bahay ng inyong kamag-anak. Nasira ang kanilang mga gamit at halos buong bahay nila ay napuno ng putik. Ano ang maaari mong gawin?
    Tutulong ako sa paglilinis ng kanilang bahay.
    Papupuntahin ko na lang sila sa aming bahay.
    Makikipaglaro ako sa aking mga pinsan.
    Hindi ko na lamang iintindihin iyon.
    30s
  • Q3
    3. May outreach program ang mga kabataan sa inyong barangay na mangalap ng donasyon at tulong para sa mga biktima ng sunog. Ano ang magagawa mo upang maipakita ang pagtulong sa programa?
    Magtatago ako sa aming bahay dahil ayaw kong makisali sa ganoong gawain.
    Pupuntahan ko ang mga nasunugan at titingnan ko ang itsura ng kanilang mga nasunog na bahay.
    Hindi ko papansinin ang pag-aabala nila dahil mas nais kong maglaro.
    Mangangalap ako ng mga damit sa mga kapitbahay upang maibigay sa samahang namumuno sa outreach program
    30s
  • Q4
    4. Ang kaklase mong si Jun ay namatayan ng ama sanhi ng COVID. Paano mo maipararamdam sa kanya ang iyong pagdamay?
    Palalakasin ko ang kanyang loob at papayuhan na huwag siyang malungkot.
    . Sasabihin ko sa aking magulang na namatayan ng ama si Jun.
    Ipaaalam ko sa aming guro ang nangyari sa kanyang ama.
    Lalayuan ko siya dahil natatakot akong baka nahawaan siya ng COVID ng kanyang ama.
    30s
  • Q5
    5. Nakita mo ang isang pamilya sa tabi ng kalsada. Namamalimos sila upang may maipambili ng pagkain. May naipon kang pera mula sa iyong baon. Ano ang iyong gagawin?
    Titingnan ko kung ano ang kanilang ginagawa.
    Hindi ko papansinin ang pamilyang nasa tabi ng kalsada.
    Sasabihan kong lumapit sila sa DSWD.
    Bibigyan ko sila ng pera mula sa aking naipon.
    30s

Teachers give this quiz to your class