
Maikling Pagsusulit ESP 10 (Unang Markahan)
Quiz by G. Ryan Rongcales
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Panuto: Iklik kung TAMA o MALI ang paggamit ng kalayaan sa bawat pahayag.
Nagagawa ni Malou ang mamasyal ano mang oras niya gustuhin.
Inamin ni Imelda ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa kaniyang ginagawa.
Hindi mahiyain si Joshua kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao kahit pa nakakasakit na ito ng damdamin.
Kahit pagod na galing trabaho, tinulungan pa rin ni Dominick ang kaniyang kapitbahay na isugod ang maysakit nitong ina sa ospital.
Ang mabababa mong marka sa paaralan ay isinisi mo sa iyong guro dahil nababagot ka sa kaniyang mga leksyon kaya wala kang natutuhan sa inyong klase.
May sakit ang driver nila Ashlyn kaya hindi na siya pumasok sa paaralan.
Sa halip na bantayan ang nakababatang kapatid sa bahay tulad ng utos sa kaniya ng kaniyang magulang, mas pinili ni Jewel na iwanan ang kapatid sa bahay at sumama sa outing ng kanilang barkada.
Dahil sa napagbintangan si Dasha na siya ang sumulat ng malalaswang salita sa CR, sumama ang kaniyang loob sa kaniyang kaklase kung kaya't nang maiwan siya sa silid-aralan noong uwian ay isinulat niya sa pisara gamit ang malalaking titik ang pahayag na, "THANK YOU FOR BEING JUDGMENTAL.
Humingi ng tawad si Mark sa iba niyang mga kaklase sa ginawa niyang paghahalo ng ibang kemikal sa kanilang eksperimento noong break time at walang ibang tao sa laboratory.
Lumayas si Raven sa bahay nila at nakitira sa kaniyang kabarkada matapos siyang madismaya dahil hindi natuloy ang pagbabakasyon sana nila ng kaniyang ina sa Singapore kung saan nagtatrabaho ang kaniyang ama dulot ng biglaang pag-uwi nito sa Pilipinas.