
Modyul 2-Ikatlong Markahan- Maikling Pagsusulit
Quiz by Sisa Alave
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Isinama ka ng iyong tiyahin sa Mountain Province upang makipiyesta sa inyong malayong kamag-anak. May mga inihanda silang mga pagkain na karamihan ay ibinuro. Hindi mo ito nagustuhan dahil sa amoy nito. Ano ang gagawin mo?
Mahilig manuod ng pagtatanghal ang iyong nanay sa telebisyon. Minsan ay naabutan mo siyang nanunuod ng isang palabas tungkol sa mga katutubong Dumagat. Hindi ka mahilig sa mga ganung palabas ngunit sinabi ng iyong nanay na panuorin mo iyon dahil may makukuha kang aral sa palabas na iyon. Anong gagawin mo?Â
Isinali ka ng iyong guro sa isang pagtatanghal sa Buwan ng Wika. Ikaw ay naatasan na sumayaw ng isang sayaw ng pangkat etniko sa Pilipinas. Hindi mo gusto ang iyong sasayawin dahil mas gamay mo ang makabagong sayaw. Ano ang gagawin mo?
Magkakaroon ng Field Trip sa inyong paaralan. Lahat ay iniimbitahan na bisitahin ang Museo ng Pangkat Etniko sa Pilipinas upang makilala ang pinagmulan ng ating mga katutubo. Ano ang gagawin mo?
Mahilig makinig ng mga katutubong awitin ang iyong lolo. Tuwing umaga ay lagi ninyong napapakinggan ang mga ito. Minsan ay sinabi nya sa iyo na sabayan mo siyang kantahin ang paborito nyang awiting katutubo. Ano ang iyong gagawin?