
PRE-TEST ARALING PANLIPUNAN GRADE 10
Quiz by RIA E. SANCHEZ
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Ang mga mamimili ay bumibili ng mga produkto at serbisyo na naaayon sa kanilang kakayahan base sa iba’t ibang presyong naitakda. Ang kalagayang ito ay tinatawag na ______________.
Tuwing Pasko ang pamilya ni Jayzel ay marami ang naihahanda na pagkain para sa Noche Buena. Bumibili rin naman ang kanyang asawa ng bulaklak at tsokolate tuwing araw ng mga puso. Ano ang maaaring makaapekto sa demand batay sa nabanggit na pangyayari?
Ang demand ay ang dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon. Kung ikaw ay may baong ₱50 isang araw, alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang maaaring magpakita ng iyong demand?
Ito ay nagaganap kapag mas marami ang quantity supplied o dami ng supply na naiprodyus kaysa sa quantity demanded o sa dami ng pangangailangan ng konsumer.
Kapansin-pansin na tumataas ang demand sa bigas kapag may napapabalitang paparating na bagyo. Ito ay bunga ng pagiging handa ng mga mamamayan sa maaaring pagbaha at maaaring pagtaas ng presyo nito sa mga susunod na araw. Sa ganitong sitwasyon, alis sa mga sumusunod na salik ang nakaaapekto sa demand ng mga mamamayan?
Nagsimula si Althea bilang isang clerk sa isang pabrika. Subalit, dala ng kanyang kasipagan, na-promote siya bilang manager sa lamang ng isang taon. Alin sa mga sumusunod ang mangyayari sa demand ni Althea para sa damit?
Si Aling Lita ay may-ari ng isang bakery sa kanilang lugar. Nagkaroon ng 3% pagtaas sa presyo ng harina ngunit hindi pa rin nagbago ang demand niya para dito. Aling uri ng elastisidad ng demand ang ipinapakita sa sitwasyong ito?
Kapansin-pansin ang patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente. Hindi magawang umangal ng mga konsyumer dahil walang direktang maipalit sa serbisyong ito. Sa ganitong sitwasyon, tatanggapin na lamang ng mga konsyumer ang anumang pagtaas sa bill ng kanilang kuryente. Kung iuugnay natin ang halimbawang ito sa elastisidad ng demand, anong uri ito ng elastisidad?
Kamakailan ay nagkaroon ng pagtaas ng presyo sa bigas sa pamilihan. Nag-iisang tindahan sa loob ng isang subdibisyon na malayo sa palengke ang tindahan ni Mang Florendo. Isa sa pangunahing pangangailangan ng mga mamimili ang bigas kaya bibilhin pa rin ito kahit mataas ang halaga. Sa ganitong sitwasyon, ano ang maaaring gawin ni Mang Florendo gayong siya lamang ang may tinda ng bigas sa kanilang lugar?
Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay kinuhang endorser ng Nescafe dahil sa kanilang kasikatan. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari sa mga produktong kanilang inendorso?
Hindi lingid sa kaalaman nga mga mamimili na ayaw magbenta ng produkto ang mga negosyante sa mababang halaga. Ito ay nagiging bunga ng hoarding upang hintayin ang pagtaas ng presyo nito bago nila ilabas sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod na salik ng supply ang tinutukoy sa nabanggit na sitwasyon?
Sa Price Inelastic ng Supply, kinakailangan ng mga supplier ng mahabang panahon upang makapagdagdag ng supply sa isang produkto or serbisyo. Alin sa mga sumusunod na halimbawang produkto o serbisyo ang kinokonsumo ng mga konsyumer ang naaangkop dito?
Masasabing Price Elastic ang supply kung malaki ang naging bahagdan ng pagbabagong quantity supplied kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Mas mabilis para sa mga prodyuser na magbago ng quantity supplied sa maikling panahon. Sa paanong paraan nakikinabang dito ang mga mamimili?
Inelastic ang supply ng BMW. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Pinaghandaan na ng husto ni Daisy ang nalalapit na Pasko kaya’t dinamihan na niya ang pagbili ng harina at asukal na gagamitin niya sa kanyang negosyong cake in can. Nang dahil dito tumaas ng mahigit sa 1% ang kanyang maisusupply sa nalalapit na pasko kahit may pagtaas ng presyo sa harina at asukal. Anong uri ng elastisidad ng supply ang tinutukoy sa ganitong sitwasyon?
Ano ang ipinapahiwatig sa presyo kapag ang halaga ng isang produkto ay nagkakapareho sa dami ng pangangailangan at panustos?
Dalawang tangke ng gasul ang binili ng tatay mo sapagkat ayon sa balita, tataas ang presyo nito sa mga darating na araw dahil na rin sa mataas na presyo ng langis sa Pandaigdigang pamilihan. Sa paanong paraan nakaapekto ang sitwasyong ito sa pagpili ng tatay mo ng dalawang tangke ng gasul?
Nagkakaroon ng kakulangan kung ang suplay ng produkto at serbisyo ay mababa kaysa sa demand nito. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kalagayang ito sa pamilihan?
Ang kakulangan ay madalas nararanasan ng mga mamimili sa pamilihan sa kahit anong panahon at pagkakataon. Alin ang pinakamakatwiran upang makaagap ang mga mamimili sa suliranin ng kakulangan?
Si Aling Dionisia ay laging namimili ng kanyang mga paninda sa Marikina Market. Maraming produkto ang may kakulangan dahil sa sama ng panahon. Bilang isang mamimili, ano ang kanyang magiging batayan sa pagbili ng produkto kung pagbabatayan ang perpektong kompetisyon sa pamilihan?
Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa pamilihan ang HINDI totoo?
May dalawang pamamaraan ang pamahalaan kung paano makokontrol ang presyo sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang pamamaraang nagsasagawa ng pagbibigay ng pinakamataas na presyo na kung saan maaaring ibenta ng isang negosyante ang kanyang produkto?
Masasabing ang monopolyo ay nag-iisang suplayer ng napakahalagang produkto katulad ng kuryente na isinusuplay ng Meralco. Nang dahil dito, nagtatamasa ito ng higit sa kapakinabangan. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking kapakinabangan ng isang Monopolista?
Payak lamang ang kagustuhan ng isang tao kapag maliit lang ang sahod niya. Kapag lumaki na ang sahod, inaasahang madaragdaganang kanyang pangangailangan. Alin sa mga sumusunod ang naguugnay sa demand ng tao batay sa pangyayari?
Kung masyadong mataas ang presyo ng isda dahil sa nagdaang bagyo, inaasahang _____________.
Nadaragdagan ang nagbebenta ng face mask sa palengke, kapansinpansin ang mababang presyo nito na siyang nakapang-aakit sa mga mamimili para bumili nang maramihan. Ang sitwasyong ito ang nagpapaliwanag sa batas ng demand. Alin sa mga sumusunod ang isinasaad ng nasasabing batas?
Iniisip ni Nhowie na ang pagkakaroon ng pandemia ay kailangang maging handa sa mga pangangailangan. Alin sa mga sumusunod na salik ang makikita sa talata?
Ayon kay _______, bagama’t ang pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya, may mga pagkakataong nahaharap ito sa pagkabigo o market failure.
Sa panahong nakakaranas o katatapos pa lamang ng kalamidad sa bansa, ang pamahalaan ay mahigpit na nagpapatupad ng _______ na nagbabawal sa pagtaas ang presyo sa pamilihan.
Ipinatutupad ng pamahalaan ang _______ sa sektor ng paggawa upang makaiwas ang mga manggagawa na makatanggap ng mababang suweldo.