
EsP 5 Q4-W3
Quiz by Katrina Salas
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Mayroong gaganaping prusisyon sa inyong lugar para sa Flores De Mayo at ikaw ang napiling Reyna Elena. Ano ang iyong gagawin?
Nasunugan ang iyong kaklase at halos wala silang naisalbang gamit, Anong tulong ang maaari mong gawin?
Mahiyaing bata si Liezel, hindi siya masyadong nakikipag-usap sa iba, nais mo siyang isali sa inyong paglalaro, ano ang iyong gagawin?
Inutusan ka ng iyong ina na bumili sa tindahan, sa paglalakad mo ay may nakasabayan kang babaeng nagmamadali at hindi niya napansin na nalaglag ang kanyang wallet. Ano ang iyong gagawin?
May ipinagagawang proyekto sa sining ang inyong guro. Tinawagan ka ng iyong kaklase at gusto niya ay magpagawa sa iyo ngunit nais mong tumanggi dahil bilin ng inyong guro na kayo ang gagawa. Ano ang iyong sasabihin sa kanya na hindi masasaktan ang kanyang damdamin?