Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Habang ikaw ay naglalakad sa gilid ng Ilog ng Marikina, may napansin kang isang bata na nagtatapon ng basura rito. Ano ang iyong gagawin ?

    Hindi na lamang papansinin.

    Pagsasabihan ang bata.

    Isusumbong sa barangay ang nakitang pagtatapon ng bata.

    Kakausapin ang bata at ipaliliwanag sa kaniya ang hindi magandang dulot ng pagtatapon ng basura sa ilog.

    30s
  • Q2

    Magkakaroon ng isang clean-up drive sa inyong lugar at nangangailangan ang inyong barangay ng ilang boluntaryong tutulong sa paglilinis. Ano ang iyong gagawin?

    Makikilahok ako sa proyekto ng aming barangay at hihikayatin ko ang mga kapwa ko kabataan na sumali rin.

    Magdadahilan na lamang ako na masakit ang aking ulo upang hindi makasali.

    Hindi ako makikiisa dahil mapapagod lamang ako.

    Sasabihin ko ito sa iba upang sila na lamang ang sumali.

    30s
  • Q3

    Naglagay ang inyong barangay ng isang drop box ng mga suhestiyon para sa ikagaganda ng takbo ng inyong pamayanan. Ano ang iyong gagawin?

    Hindi na lamang ito papansinin dahil ang mga nasa katungkulan lamang ang may kakayahang magbigay ng suhestiyon tungkol dito.

    Babalewalain lamang ito.

    Ipauubaya na lamang ang pagbibigay ng suhestiyon sa mga nakatatanda.

    Magbibigay ng ilang opinyon tungkol sa mga proyektong maaaring gawin.

    30s
  • Q4

    Nakita mong maraming nakakalat na papel sa inyong silid-aralan. Ano ang iyong gagawin?

    Sasabihin ito sa guro.

    Hahayaan ang cleaners na maglinis nito.

    Magkukusang–loob na linisin ito.

    Magkukunwaring hindi na lamang ito nakita.

    30s
  • Q5

    Dahil sa dumaraming kaso ng Covid-19 sa ating bansa, ipinagbabawal na ng pamahalaan ang paglabas ng bahay lalo na kung hindi naman mahalaga ang pupuntahan. Sang-ayon ka ba rito?

    Hindi po, dahil wala akong gagawin sa loob ng aming bahay.

    Opo, upang makatulong sa pagsugpo ng Covid-19 at hindi na ito kumalat pa.

    Opo, dahil ito ang sinabi ng pamahalaan.

    Hindi po, dahil malusog naman ang aking katawan at hindi ako tatablan ng kahit na anong virus.

    30s
  • Q6

    Piliin ang masayang mukha kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha naman kung hindi. Ilagay ang basura kung saan-saan dahil may taga-kuha naman nito.

    Answer Image
    Answer Image
    30s
  • Q7

    Piliin ang masayang mukha kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha naman kung hindi. Pitasin at sirain ang mga halaman sa parke.

    Answer Image
    Answer Image
    30s
  • Q8

    Piliin ang masayang mukha kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha naman kung hindi. Iwasan ang pagsusulat o pagbabandal sa pader sa kahit na saang lugar.

    Answer Image
    Answer Image
    30s
  • Q9

    Piliin ang masayang mukha kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha naman kung hindi. Gamiting maayos ang mga pampublikong palikuran bilang paggalang sa susunod na gagamit nito.

    Answer Image
    Answer Image
    30s
  • Q10

    Piliin ang masayang mukha kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha naman kung hindi. Gamiting paso ang mga lumang gulong na hindi na ginagamit

    Answer Image
    Answer Image
    30s

Teachers give this quiz to your class