
ESP Q3 M9 Quiz 9
Quiz by Emelina Cagara
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Madalas nating mabasa, marinig, o mapanood ang mga kaguluhan o kawalan ng kapayapaan sa ating bayan. Bilang mag-aaral kahit bata ka pa lang, paano ka makakatulong sa pagkakaroon ng kapayapaan sa ating kumunidad gamit ang teknolohiya?
Sa ating paaralan may pinapalabas na sayaw sa pamamagitan ng video na may kinalaman sa kalinisan sa ating komunidad, paano ka makikiisa?
May proyekto sa inyong barangay tungkol sa paggawa ng poster sa kalinisan. May kakayahan ka sa paggamit ng teknolohiya at multimedia upang makagawa nito. Ano ang dapat mong gawin?
Napag-alaman ng inyong guro na may kakayahan ka sa paggawa ng larawan o signage gamit ang computer para sa kaligtasan sa pagsasanay ng “EarthquakeDrill”. Pinagagawa ka ng larawan ng “Duck cover and hold” para ipaskil sa paaralan. Paano mo ito gagawin gamit ang teknolohiya?
Ikaw ang inatasan ng inyong guro na manguna sa paggawa ng proyekto sa inyong pangkat. Paano kayo makagawa gamit ang teknolohiya?
May kapitbahay kang guro sa inyong lugar. Nagtuturo siya ng online class, nang biglang hindi gumana ang ginagamit niyang laptop. Tinawag ka dahil nalaman niyang may kaalaman ka sa pag-aayos nito. Ano ang gagawin mo?
May paligsahan sa paggawa ng digital poster sa inyong lugar. May gantimpala ang mananalo rito. May talento ka sa paggawa nito. Ano ang puwede mong gawin?
May asignaturang ibinigay ang inyong guro sa paggawa ng proyekto gamit ang teknolohiya na mayroon sa bahay. Paano mo ito gagawin?
Linggo, lahat kayong mag-anak ay nagsimba. Nakita mo ang iyong kuya na abala sa kanyang cellphone at hindi nakikinig. Ano ang pwede mong sabihin sa kuya mo?
Bilang kabataan, paano mo maipakikita ang wastong paggamit ng multimedia at teknolohiya?