
ESP Q3 Quiz 10
Quiz by Emelina Cagara
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Si Aling Laura ay tindera sa palengke ng mga isda at karne. Paano niya maipakikita ang pagiging matapat sa paggawa?
Si Georgina ay kabilang sa grupo ng mga aawit sa caroling. Paano nila maipakikita ang pagkakaisa?
Si Mina ay naglalakad lamang pauwi mula sa paaralang kanyang pinapasukan, Namomroblema siya sapagkat kinabukasan na ang bayaran para sa mga bilihing materyales para sa proyekto ng kanyang grupong kinabibilangan. Habang naglalakad, nakakita siya ng sobre na may lamang pera. Ano ang kanyang dapat gawin?
Nais magpatugtog ni Nica ngunit natutulog ang kanyang ina sapagkat napagod ito sa trabaho. Ano ang nararapat niyang gawin?
Dahil sa mataas na bayad sa kuryente, pinagbilinan ni Mang Albert ang kanyang anak na magtipid. Ano ang dapat gawin ng kanyang anak?
May bagong mag-aaral sa klase ni Bb. Garcia. Tinatawanan nina Rainier at Ryan ang bagong kaklase nilang Africano dahil sa kulot nitong buhok at maitim na kulay na balat. Bilang isa sa mga kaklase, ano ang dapat mong gawin?
Hindi pinapahiram si Adolfo ng kanyang ate ng mga magasin nito tungkol sasasakyan dahil koleksyon niya ito. Araw ng Sabado, walang pasok, pumunta ang kanyang ate sa mall kasama ang mga kaibigan at naiwang nakabukas ang kwarto. Ano ang mabuting gawin ni Adolfo?
Matapos ang tatlong araw na pag-uulan sa lalawigan nina Dexter, lumabas din ang haring araw. Nakita ni Dexter ang mga lalagyan ng mga bote at timba na may lamang tubig. Ano ang dapat niyang gawin?
Nakita mo ang iyong kaklase na naka-uniporme at may dalang gamit pamasok ngunit sa halip na sa paaralan ay sa isang computer shop ito nagtungo. Ano ang iyong dapat gawin?
Nakita ni Rose ang mga sugat at pasa sa katawan ng kanyang kaibigan dulot ng pananakit ng tiyahin nito. Ano ang dapat gawin ni Rose?