
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Quiz by Aira Jane Celis
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Mababa ang iyong nakuhang marka sa pagsusulit. Natatakot kang ipakita ito sa iyong magulang ngunit kailangang papirmahan mo ito sakanila. Ano ang iyong gagawin?
May takdang-aralin kayong gumawa ng sanaysay tungkol sa “COVID 19 Pandemic”. May nakita ka sa internet na maaari mong kopyahin na lamang.
May nakita kayo ng kaibigan mo na pera sa kantina. Sinabi niya naibili na lamang ito ng pagkain dahil wala siyang baon.
Iniwanan kayo ng gawain ngiyong guro dahil ipinatawag siya sa opisina. Nakita mong nagkokopyahan angiyong mga kaklase.
Pinatatawag ang iyong magulang dahil sa pag-aaway ninyo ng iyong kaklase.
Nakita mong nabasag ng iyong kapatid ang baso. Galit na galit ang nanay mo at pinapaamin kung sino ang may gawa nito. Sinabi mo na ang kapatid mo ang nakabasag. Tama ba ang iyong ginawa?
Nagpatawag ng pagpupulong ang inyong guro. Sinabi mo ito sa iyong ama ngunit hindi siya nakadalo dahil nakalimutan niya ito. Masakit na masakit ang kalooban mo. Paano mo sasabihin sa kanya ang iyong saloobin?
Mahiyaing bata ang iyong katabi kaya hindi siya nakikisama sa kahit anong Gawain sa inyong klase. Paano mo ipahahayag ang iyong saloobin para makatulong sa kaniya?
Nakita mong may malaswang pinapanood sa internet ang iyong kuya at niyaya ka niyangmanood. Â Siya ay matanda lamang sa iyo ng dalawangtaon. Ano ang magiging saloobin mo sa kanya?
Napabalita sa telebisyon na paparating ang isang malakas na bagyo at madadaanan ang inyong lugar. Nararapat bang ipaalam mo ito saiyong mga magulang?
Bumili ka sa tindahan. Sobra ang biskwit na naibigaysa iyo ng tindera.
Napadpad sa bubong ng inyong bahay ang saranggola ng batang naglalaro. Gusto mo ring magkaroon nito. Ano ang gagawin mo?
Kitang-kita mong kinuha ng kaibigan mo ang pitaka ng inyong kamag-aral. Ano ang dapat mong gawin?
Nakita mong sinusuntok ng iyong katabi ang isa mo pang kaklase. Ano ang gagawin mo upang malutasang problemang ito?
Alam mong may nobya ang kuya mo at ayaw ito ng inyong mga magulang. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
Madalas na tumatakas ang iyong Kuya Ruben para lamang makapaglaro sa computer shop. Kumukupit din siya ng pera sa inyong tatay para may ipambayad sa renta ng computer.
Hindi mo nagustuhan ang paraan ng pagsasabi sa iyong kaklase mo tungkol sa dapat mong baguhin sa iyong sarili. Ano ang gagawin mo?
Wala kang nadalang gamit sa takdang-araling ibinigay ng guro. Marami namang nadala ang kaklase mong si Peter. Nahihiya kang humingi sa kanya.
Nawawala ang bolpen ng iyong kaklase. Alam mong kinuha ito ng kaibigan mo. Ano ang dapat mong gawin?
Inamin ni Lina ang pagkuha ng pera sa pitaka ng kaniyang ina kahit alam niyang mapagagalitan siya. Ano ang masasabi Ninyo tungkol sa ginawa niya?