
Uri ng Kasarian at Sex Gender Roles sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig
Quiz by ROSALYN DE GUZMAN
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang kababaihan ang kadalasang nangangasiwa sa loob ng tahanan
samantalang ang kalalakihan ang karaniwang naghahanapbuhay para sa pamilya. Ito ay naglalarawan ng _______.
Ang bawat tao ay may kakayahang magmahal at makaramdan ng atraksyon sa isang taong kabilang sa ibang kasarian, o sa kaparehong kasarian o di kaya naman sa parehong kasarian. Ito ay tumutukoy sa______.
Ang mga magulang ni Lucas ay di na nagulat ng magpaopera ito upang maging mukhang babae. Sa sitwasyong ito tanggap ng mga magulang ni Lucas ang kanyang ___________
Ang pasasagawa ng Female Genital Mutilation sa mga kababaihan ay isang maliwanag na paglabag sa karapatan ng kababaihan dahil _____________.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi angkop na paglalarawan sa kalagayan ng mga kababaihan noon?
Ang primitibong pangkat sa Papua New Guinea ay magkakaiba ang katangian at tungkulin ng mga babae at lalaki, ito ay dahil sa mga sumusunod na kadahilanan maliban sa, ________________
Sinasabing ang paglaganap ng kaisipan tungkol sa LGBT sa Pilipinas ay dahil sa mga nailathalang akda na tumatalakay sa homosekswalidad, nangangahulugan na dahil sa mga akdang ito ay ____.
Noon, kapag ang lalaki ay nais makipaghiwalay maaari niyang bawiin ang kanyang mga binigay samantalang kapag ang babae ang hihiwalay ay wala siyang makukuha. Ang kaugaliang ito ay nagpapakita ng _________.
Ang pagsasagawa ng FGM ay ipinatitigil ng WHO dahil bukod sa paglabag ito sa karapatan ng babae ito ay ____________________.
Ang di-pagpayag ng COMELEC sa paglahok ng partidong Ang LADLAD sa halalan noong 2010 ay maituturing na paglabag sa karapatan ng LGBT sa _________.