
Pagbibigay ng Pamagat
Quiz by liezelmagnaye
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang mga mangrove ay mga puno na tumutubo sa tabing-dagat. Ang mga ito ay napakahalaga sa ating kapaligiran. Una, pinoprotektahan nila ang baybayin laban sa malalaking alon at bagyo. Pangalawa,nagsisilbi silang tahanan ng maraming hayop tulad ng isda, alimango, at ibon.Pangatlo, tumutulong sila sa pagpigil ng soil erosion.
Si Maria ay isang masipag na mag-aaral. Araw-araw, gumigising siya nang maaga para maghanda sa paaralan. Lagi siyang nakikinig sa mga guro at gumagawa ng kanyang mga takdang-aralin. Bukod dito, tumutulong din siya sa kanyang mga kaklase na nahihirapan sa pag-aaral.
Ang araw ay isang bituin na nagbibigay ng init at liwanag sa ating planeta. Ito ay napakalaki kumpara sa Earth. Ang init nito ay nagmumula sa mga nuclear reaction sa loob nito. Dahil sa araw, may buhay sa ating planeta at tumutubo ang mga halaman.
Ang paghuhugas ng kamay ay isang simpleng paraan para maiwasan ang sakit. Una, gumamit ng malinis na tubig at sabon. Pagkatapos, kuskusin ang mga palad, mga daliri, at ilalim ng kuko nang 20 segundo. Banlawan ng maayos at patuyuin gamit ang malinis na tuwalya o handdryer.
Ang Baguio City ay kilala bilang Summer Capitalng Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Cordillera Administrative Region. Maramingturista ang pumupunta rito dahil sa malamig na klima nito. Ang mga tanyag napasyalan dito ay ang Burnham Park, Mines View Park, at Session Road.
Ang pagtatanim ng mga puno ay napakahalaga para sa ating kapaligiran. Una, ang mga puno ay sumisipsip ng carbon dioxide at nagbibigay ng oxygen. Pangalawa, nagbibigay sila ng tirahan para sa mga hayop. Pangatlo, tumutulong sila sa pagpigil ng soil erosion at baha.
Ang paggamit ng social media ay naging malaking bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. Maraming tao ang gumagamit nito para makipag-ugnayan sa mga kaibigan at pamilya. Ngunit dapat tayong maging maingat sa paggamit nito. Huwag ibahagi ang personal na impormasyon at mag-ingat sa mga fake news.
Ang Mayon Volcano ay isa sa mga pinaka-kilalang bulkan sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Albay, Bicol Region. Kilala ito sakanyang halos perpektong cone shape. Bagamat maganda, ito ay isang aktibong bulkan na paminsan-minsan ay pumupuputok.
Ang teknolohiya ay may malaking papel sa ating pang-araw-araw na buhay. Sa pamamagitan ng mga makabagong gadgets, mas napapadali ang ating mga gawain. Halimbawa, ang paggamit ng computer ay nagpapabilis sa trabaho at pag-aaral. Ang internet ay nagbibigay ng mabilis na access sa impormasyon at komunikasyon. Kaya naman, ang teknolohiya ay nagiging mahalagang bahagi ng ating modernong pamumuhay.
Ang mga Pilipino ay kilala sa kanilang pagiging magalang at mapagmahal sa pamilya. Isa sa mga katangian na nagpapakita nito ay ang paggamit ng "po" at "opo" bilang tanda ng paggalang sa mga nakatatanda. Bukod dito, ang pagkakaroon ng malapit na relasyon sa bawat miyembro ng pamilya ay mahalaga sa kulturang Pilipino. Ang pagtutulungan at pagkakaisa ay ilan lamang sa mga kaugaliang pinahahalagahan ng bawat Pilipino.