
Pagbibigay ng Pamagat sa Seleksyon
Quiz by Luna More
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
1. Maraming kapakinabangan ang naidudulot ng puno ng niyog sa atin. Ang bunga nito ay may likidong maaaring inumiin at ang puting bahagi naman nito ay nakakain. Ang dahon nito ay ginagawang pawid upang maging bubong ng bahay, samantalang ang matigas na bahagi naman nito ay ginagawang walis-tingting.
2. Gustong-gustong makinig ni Linda sa mga kuwento ng kanyang Lola Basya. Walang araw na dumaan na hindi ito nagpapakwento sa kanyang lola. Kapag kasama niya ang kanyang mga kaibigan, mga kwentong kababalaghan ang madalas nilang pakinggan.
3. May iba’t ibang pangkat-etniko sa Pilipinas. May Tagalog. May Ilokano. May Maranao. May Yakan at may Ilonggo. Bawat pangkat ay itinuturing na etniko. Etniko ang tawag sa pangkat ng taong nagmumula sa isang pook at nagsasalita ng iisang wika.
4. Si Aling Rosing ay may tatlong anak na dalaga na may kani-kaniyang katangian. Ang panganay ay maganda ngunit masungit. Ang ikalawa’y matalino ngunit palalo. Ang bunso ay mabait.
5. Marami ang naituturo ng “Mag-Impok Movement” sa ating kabataan. Natutuhan nila ang wastong pag-iimpok. Nalalaman nila ang naitutulong ng mga bangko sa pagpapaunlad ng mga industriya at pangangakal sa ating bansa. Gayon din naman nauunawaan nila ang kahalagahan ng pag-iimpok.